Archive for August, 2008

Tuloy at ‘di tuloy

August 29, 2008

Matutuloy na pala ang Pacquiao vs Dela Hoya fight. Magandang laban ‘to tiyak. Una kong nabasa ang Pacquiao-Dela Hoya Megafight na ito sa blog ni Doms. Palagay ko, talo si Manny dito. Sino makikipagpustahan? 1,000 Entrecard Credits! hehehe!

Samantala, mukhang hindi matutuloy ang panood namin ng Eraserheads Reunion Concert. Wala pa kaming tickets, hindi pala nakabili si Binx kanina. Wahhhh….

O sya, makatulog at umaga na pala.

Busy mode muna ako

August 28, 2008

Natambakan na naman ako ng email. Ang daming nagtatanong tungkol sa list ng immigration priorities. Magkakaroon kasi ng changes sa immigration regulations at mapapabilis na ang proseso para sa mga gustong pumunta sa Canada. Sana. May ilang employers din na nagtatanong tungkol Hiring Process of Filipino Workers.

Birthday ng Lola ni Setsu at may party sa Sabado. Exclusive daw yun para sa mga kapamilya. Inimbitahan ako ng Lola nya kaya lang hindi naman ako pwede mawala sa office kapag Sabado. Sa Linggo naman ay pupunta ako sa Angeles City para magconduct ng seminar. Touched ako syempre, kapamilya pa rin pala ako. haha! Sayang talaga.

Mamayang 6pm, may meeting naman ako sa isa kong kliyente. Libreng dinner na naman ito! Pagkatapos naman ng meeting namin, diretso ako sa Watering Hole. May magpapainom na kaibigan.

Ang sarap talaga kapag libre.

Pwede na kaya kay Pia ang kikay kit?

August 27, 2008

Nandito ulit ako sa Pangasinan ngayon. Once a week kasi ay pinupuntahan ko si Pia at ako ang naghatid sa kanya sa school.

Dahil mamaya pang 1pm ang uwian nila Pia, tumambay muna ako ngayon dito sa Chowking Lingayen, may libreng wifi. Dala ko yung ASUS EEE PC ko kaya ok na ok. Sarap talaga ang libre. hehe!

Kanina habang inaayos ko yung bag ni Pia para ihanda yung mga dapat dalhin sa school, nakita ko sa bag nya ang cologne at baby powder nya. Tinanong ko kung bakit kailangan nyang dalhin yun sa school. Baka raw kasi bumaho sya mamaya sa school.

Dalaginding na talaga si Pia! Hmm… ibili ko na kaya sya ng kikay kit? LOL

Ay puke mo!

August 26, 2008

Paunawa: Kung naligaw ka dito sa paghahanap ng puke at kung anupamang kabastusang may kinalaman sa puke, huwag mo na ituloy ang pagbabasa. Hindi ito tungkol doon.

Pero para naman hindi masyang ang pagpasyal mo dito, basahin mo na lang ito: Pinay Scandal (For Adults Only).

Late na naman ako pumasok sa trabaho kanina. Pinanood ko muna kasi yung Democratic National Convention (maluha-luha pa nga ako sa speech ni Michelle Obama at tribute kay Ted Kennedy).

Siksikan sa bus na nasakyan ko nanina at maraming nakatayo, pati ako. Pag dating sa Mall of Asia, medyo napabigla yung preno ni mamang drayber. Kaya ayun, medyo nawala sa balanse yung isang ale at nadakma yung hindi dapat dakmain sa akin.

“Ay, puke mo!”, napasigaw ang ale dahil sa gulat. Nag-enjoy Nagulat din ako sa pangyayari.

“Titi ko po yan ale”, gusto ko sanang sabihin sa ale. Bibiruin ko sana, pero nagdalawang isip din ako at baka mapikon yung Ale. hehe!

Pero bakit kaya ganun? Sa dinami-dami naman ng pwedeng sabihin eh puke pa ang masasambit kapag nagugulat? Madalas ko kasi ito marinig sa mga babaeng nagugulat. Hindi ko pa naman ito naririnig sa mga kalalakihan. Dahil kaya sa lagi nila itong iniisip? Kung gayon, ibig sabihin habang nakatayo yung ale sa bus, isip sya ng isip tungkol sa puke nya? Ang labo. hehe!

Sayang at wala na si Ernie Baron. Ano kayang paliwanag ni Ka Ernie dito?

Rebolusyon o Immigration?

August 24, 2008

Dahil sa blog review ng Canada Visa Philippines blog ko, naisip ko na ang trabaho ko pala ngayon ay halos katulad lang ng gawain ko bilang tibak noong nasa college pa ako.

Noon, tumutulong ako sa pagmumulat ng mga estudyante’t manggagawa tungkol sa pambansang sitwasyon, sa kalagayang panlipunan, sa mga problemang kinakaharap ng karaniwang mamamayan. Mula dito’y magbibigay ng mungkahi kung paano itong malulunasan.

Syempre pa, kailangan ng sama-samang pagkilos para magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa lipunan, ugatin dapat ang problema, baguhin ang sistema. Kailangan ng rebolusyon. Not necessarily na makipaggera, syempre.

Ngayon naman, trabaho ko ang ipaliwanag sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansae ang tungkol sa problema dito sa bansa, ang kalagayan ng mga contract workers, kung bakit may mga ilang taon nang nagtatrabaho pero nabubuhay pa rin ng isang kahig isang tuka. Ang kaibahan lang ngayon, hindi na rebolusyon ang mungkahi ko. Immigration. hehe!

Tibak ang itawag mo sa akin

August 22, 2008

Nang mabasa ko ang kwento ni Niko tungkol sa encounter nila ni Binx sa PLM, naalala ko bigla yung kahalintulad na karanasan ko noong nasa college pa ako.

First year first semester pa lang ay tibak na ako. Di nga sila nahirapan magrecruit sa akin kasi walk-in ako. hehe!

Bilang graduate ng Sisters of Mary School na medyo konserbatibo sa maraming bagay, hindi popular sa mga kakilala ko sa school ang mapasangkot sa sangkatibakan. Kaya naman laking tuwa ko noong may nakilala ako na tibak din na graduate din ng Sisters of Mary School. Nakakatawa pa nga pangyayaring yun.

Kasagsagan ng debate noon sa Senado tungkol sa ratipikasyon ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT), nagkaroon ng kilos protesta ang mga kabataan at sumugod sa US Embassy. Hindi natapos ang programa dahil bigla kaming binuwag sa pamamagitan ng teargas at batuta. Yun ang unang pagkakataon na maranasan ko yun. Baptism of fire daw sabi ng mga kasama kong tibak.

Syempre pa, takbuhan kami at nagkahiwa-hiwalay na. Pero karamihan sa amin ay tumakbo patungong Taft Avenue para doon ulit magkupol-umpol. Habang tumatakbo, may biglang tumawag sa akin na kasabay kong tumatakbo din.

“Apolonio?!” Halatang gulat sya sa tono ng pagtatanong nya na medyo pasigaw pa nga. Hindi ko sya agad namukhaan pero di nagtagal ay nakilala ko rin sya.

“Florencio”?! Ganting tanong ko naman sa kanya. At tama nga ako. Sya nga si Florencio na classmate ko noong high school at sa PUP pala sya nag-aaral. Sya ang unang tibak na nakilala kong galing sa Sisters of Mary School. At madami pala kaming naging tibak hanggang ngayon.

Apolonio. Florencio. Ang gagandang pangalan. haha!

May dalaginding na ako!

August 19, 2008

Galing na naman ako sa Pangasinan kanina, pagod na naman sa 10 oras na byahe balikan. Ang totoo nyan, mas mahaba pa ang biyahe ko kaysa sa oras na itinagal ko sa Pangasinan Pero ayus lang. Tuwang-tuwa kasi si Pia kapag ako ang naghahatid sa kanya sa school kaya sinisikap ko syang ihatid kahit isang beses lang sa isang lingo. Ganun talaga eh.

Natawa ako sa eksena kanina sa school. Habang nakatambay sa labas ng room at naghihintay magsimula ang klase, lumapit kay Pia ang classmate nyang si Jiro. May dalang isang pirasong bulaklak ng sampaguita at ibinigay kay Pia.

“Sophia, flower para sayo oh”. Hindi sumagot si Pia na noo’y abala sa paglalaro gamit ang cellphone ko. Maya-maya ay lumayo na rin si Jiro. Dedma pa rin si Pia. Hindi ko na rin sya pinansin.

Pagdating sa bahay ay tinanong ko sya tungkol doon. Kung bakit di nya pinansin si Jiro. Tatawa-tawa syang sumagot. “Wala lang, ayaw ko naman don. Makulit sya.” Akalain mo yun? hehe!

Tawa rin ako ng tawa sa reaksyon nya nung tinanong ko sya. Para syang nahihiya at iniba agad ang usapan. Kinakabahan naman ako. Limang taong gulang pa lang si Pia, mukhang magkaka boyfriend na agad. LOL

No loading and unloading

August 16, 2008

Kanina sa bus pauwi ng bahay, may nakasakayan akong sundalo na naka-uniform pa nga. Pumara doon sa lugar na bawal ang magbaba at magsakay. Pinagbigyan naman ni Mamang Drayber.

Hindi pa halos nakakalayo ang bumabang sundalo, may sumitang pulis kay Mamang Drayber, kinukuha ang lisensya. “Sundalo ang ibinaba ko! Ser, sundalo ang ibinaba ko.” Paulit-ulit na sinasabi ng drayber na halos pasigaw na nga. Kaya lang hindi naman nakita ni Mamang Pulis yung sundalo.

Mabilis na kumilos si Mamang Kundoktor. Hinabol si Mamang Sundalo at inabutan naman. Pinakiusapan siguro na areglohin kay Mamang Pulis kaya bumallik si Mamang Sundalo. Sumaludo lang kay Mamang Pulis si Mamang Sundalo at yun na. Abswelto na si Mamang Drayber.

Exempted pala ang mga sundalo sa mga No loading and unloading area. Siguro may gera sa Pasay Rotonda kaya ganun.

Mga abusado. Bwisit!

May umobile si Pia!

August 16, 2008

Ibinili ko sya ng cellphone at pinagamit ko yung umobile sim ko para araw-araw ko sya nakakausap kahit sa telepono man lang. Medyo malaki na nga ang monthly phone bill ko kasi average ng 10 minutes araw-araw kung mag-usap kami sa telepono. Pero ayos lang. May pandagdag naman kasi I’m making money online kahit papaano. Syempre hindi naman kasinglaki ng commission daw nila Abalos at FG sa ZTE.

Katatawag ko lang sa cellphone ni Pia, Lola nya nakasagot. Nasa palengke daw si Pia kasama ang Mommy nya. Mamaya na lang ulit ako tatawag.

No Smoking?

August 15, 2008

Kung tutuusin, madali lang naman talaga intindihin ang ibig sabihin nyan. Si Pia nga, naiintindihan yan eh. Pero doon sa bilyaran sa Hobbies of Asia sa Diosdado Makapagal Blvd, mistulang dekorasyon lang yan. Akala ko sa Superbowl sa Makati Cinema Square lang yan ginagawang dekorasyon. hehe!

Ibang klase nga sa Hobbies of Asia Billiards and Bar. May nakapaskil na NO SMOKING pero ang daming naninigarilyo. Ang matindi, may ibinibigay pang ashtray yung mga attendant. LOL

Halos hindi tuloy ako makahinga kanina dahil sa usok. Pero ganunpaman, muntik ko na ma-zero si Jay. 7-2 ang score, panalo na naman ako!

Ah, I love billiards game!