Proud to be Anak ni Edring

By apolthegreat

Anak ako ni Edring at ipinagmamalaki ko iyon!

Edring ang palayaw ng Tatay ko pero ang tunay nyang pangalan ay Pedro. Buti na lang hindi ako ginawang junior. Kaya lang, umeksena ang lola ko at siya ang nagbigay ng pangalang Apolonio sa akin. Uhm… ok lang naman kasi natutunan ko na ring mahalin ang pangalan ko. haha!

Naisip kong gumawa ng bagong blog kasi parang bigla kong na-miss ang Tatay ko, na maagang nawala sa mundo. Siyam na taong gulang pa lang ako nang pumanaw ang Tatay ko. Natetano. Pasaway din kasi talaga minsan eh. hehe!

Tsaka ko na aayusin ang template nito kapag nagkaroon ng panahon. Bukod sa blog na ito, may iba pa akong blog na pinagkakabalahan:Apol the Great’s Journal, Batangueno.Net, Canada Visa Philippines at ang blog ng aking pinakamamahal na dalaginding na si Sophia.

O sya, magtatrabaho na muna ako.

Tags:

One Response to “Proud to be Anak ni Edring”

  1. aovaron Says:

    If I was going to have a child, I’d rather name IT something simple and maybe back to my roots (i.e., Lito, Lita) as long as it doesn’t reach a third syllable. My name is really old, but I won’t change it for the world. Siguro kapag may pinagtaguan ako, doon ko lang papalitan pangalan ko hehe.

Leave a Reply