May dalaginding na ako!

By apolthegreat

Galing na naman ako sa Pangasinan kanina, pagod na naman sa 10 oras na byahe balikan. Ang totoo nyan, mas mahaba pa ang biyahe ko kaysa sa oras na itinagal ko sa Pangasinan Pero ayus lang. Tuwang-tuwa kasi si Pia kapag ako ang naghahatid sa kanya sa school kaya sinisikap ko syang ihatid kahit isang beses lang sa isang lingo. Ganun talaga eh.

Natawa ako sa eksena kanina sa school. Habang nakatambay sa labas ng room at naghihintay magsimula ang klase, lumapit kay Pia ang classmate nyang si Jiro. May dalang isang pirasong bulaklak ng sampaguita at ibinigay kay Pia.

“Sophia, flower para sayo oh”. Hindi sumagot si Pia na noo’y abala sa paglalaro gamit ang cellphone ko. Maya-maya ay lumayo na rin si Jiro. Dedma pa rin si Pia. Hindi ko na rin sya pinansin.

Pagdating sa bahay ay tinanong ko sya tungkol doon. Kung bakit di nya pinansin si Jiro. Tatawa-tawa syang sumagot. “Wala lang, ayaw ko naman don. Makulit sya.” Akalain mo yun? hehe!

Tawa rin ako ng tawa sa reaksyon nya nung tinanong ko sya. Para syang nahihiya at iniba agad ang usapan. Kinakabahan naman ako. Limang taong gulang pa lang si Pia, mukhang magkaka boyfriend na agad. LOL

4 Responses to “May dalaginding na ako!”

  1. niko Says:

    waaaaaaaaaah!

    nacarry mo yun lo??

    parang di ko carry pag ganyang usapan na sa anak ko… ayaw ko!!

    LOL hehehe

  2. ahkong Says:

    Hi, napadaan lang po.

    Very cute story, pareho ng anak kong dalaginding, ang dami ng mga bubuyog na umaaligid.

    Iba na ang mga bata ngayon, advance na masyado ang utak nila, lalo na ang mga batang babae, mabilis mag mature talaga.

    Saan kayo sa Pangasinan? Nasa Bayambang Pangasinan ang mag-anak ko.

    OK Thanks.

  3. apolthegreat Says:

    Niko, nakakakaba na nakakatuwa. hehe!

    Hi Ahkong! Sa Bugallon naman si Pia. :-)

  4. Pwede na kaya kay Pia ang kikay kit? « Anak ni Edring Says:

    [...] Dalaginding na talaga si Pia! Hmm… ibili ko na kaya sya ng kikay kit? LOL [...]

Leave a Reply