Pwede na kaya kay Pia ang kikay kit?

By apolthegreat

Nandito ulit ako sa Pangasinan ngayon. Once a week kasi ay pinupuntahan ko si Pia at ako ang naghatid sa kanya sa school.

Dahil mamaya pang 1pm ang uwian nila Pia, tumambay muna ako ngayon dito sa Chowking Lingayen, may libreng wifi. Dala ko yung ASUS EEE PC ko kaya ok na ok. Sarap talaga ang libre. hehe!

Kanina habang inaayos ko yung bag ni Pia para ihanda yung mga dapat dalhin sa school, nakita ko sa bag nya ang cologne at baby powder nya. Tinanong ko kung bakit kailangan nyang dalhin yun sa school. Baka raw kasi bumaho sya mamaya sa school.

Dalaginding na talaga si Pia! Hmm… ibili ko na kaya sya ng kikay kit? LOL

One Response to “Pwede na kaya kay Pia ang kikay kit?”

  1. binx Says:

    bakit di mo kaya itanong kay ka embet?! nyahaha!

Leave a Reply