Natambakan na naman ako ng email. Ang daming nagtatanong tungkol sa list ng immigration priorities. Magkakaroon kasi ng changes sa immigration regulations at mapapabilis na ang proseso para sa mga gustong pumunta sa Canada. Sana. May ilang employers din na nagtatanong tungkol Hiring Process of Filipino Workers.
Birthday ng Lola ni Setsu at may party sa Sabado. Exclusive daw yun para sa mga kapamilya. Inimbitahan ako ng Lola nya kaya lang hindi naman ako pwede mawala sa office kapag Sabado. Sa Linggo naman ay pupunta ako sa Angeles City para magconduct ng seminar. Touched ako syempre, kapamilya pa rin pala ako. haha! Sayang talaga.
Mamayang 6pm, may meeting naman ako sa isa kong kliyente. Libreng dinner na naman ito! Pagkatapos naman ng meeting namin, diretso ako sa Watering Hole. May magpapainom na kaibigan.
Ang sarap talaga kapag libre.