Archive for August, 2008

Bilyar tayo!

August 15, 2008

Habang ang mga classmates ko noong college ay nahuhumaling sa billiards game, ako naman ay nasa lanasangan at sigaw ng sigaw ng “imperyalismo, ibagsak!”. Kaya yun, nitong huli lang talaga ako natutu maglaro ng bilyar.

Kahapon, naglaro kami ng kaibigan kong si Jay sa Hobbies of Asia. 7-5 ang score, panalo ako. Hindi ito madalas mangyari kaya alaskado sya sa akin. Pero noong isang araw sa Makati Cinema Square naman kami naglaro talo naman ako. Ang saklap nga kasi 7-0 ang score. hehe!

Mamaya ay babawi daw sya. haha!

Canada eh!

August 14, 2008

Paluwag ng paluwag ang patakaran para makapuntang Canada. Bukod sa lalabas na listahan ng mga immigration priorities, magkakaroon din ng tsansa ang mga temprary workers sa Canada na maging immigrant din sa pamamagitan ng Canadian Experience Class.

Ang daming pagbabago kaya naman busy kami sa opisina, kailangang umangkop sa mga pagbabagong ito. Panay panay ang meeting nitong mga naaraang araw.

Hahada Laang

August 14, 2008

Unti-unti nang nagkakabuhay yung blog na ginawa ko para sa Batangas. Madami nang members at madalas na ring may bagong entry.

Kababasa ko lang ng post ni Yoshke tungkol sa Batangan Diction. Nakakaaliw! Siguro dahil nakakarelate ako sa mga salitang Batangueno. Pero siguro din, dahil mahusay talaga ang pagkakasulat.

Proud to be Anak ni Edring

August 14, 2008

Anak ako ni Edring at ipinagmamalaki ko iyon!

Edring ang palayaw ng Tatay ko pero ang tunay nyang pangalan ay Pedro. Buti na lang hindi ako ginawang junior. Kaya lang, umeksena ang lola ko at siya ang nagbigay ng pangalang Apolonio sa akin. Uhm… ok lang naman kasi natutunan ko na ring mahalin ang pangalan ko. haha!

Naisip kong gumawa ng bagong blog kasi parang bigla kong na-miss ang Tatay ko, na maagang nawala sa mundo. Siyam na taong gulang pa lang ako nang pumanaw ang Tatay ko. Natetano. Pasaway din kasi talaga minsan eh. hehe!

Tsaka ko na aayusin ang template nito kapag nagkaroon ng panahon. Bukod sa blog na ito, may iba pa akong blog na pinagkakabalahan:Apol the Great’s Journal, Batangueno.Net, Canada Visa Philippines at ang blog ng aking pinakamamahal na dalaginding na si Sophia.

O sya, magtatrabaho na muna ako.