Mukhang nag-update na namang ng Page Rank si Haring Google. Nakakatuwa kasi wala pang 2 buwan ang blog na ito pero may PR3 na agad!
Salamat po sa mga nag-link sa anakniedring.wordpress.com!
Mukhang nag-update na namang ng Page Rank si Haring Google. Nakakatuwa kasi wala pang 2 buwan ang blog na ito pero may PR3 na agad!
Salamat po sa mga nag-link sa anakniedring.wordpress.com!
Tambak ako ng trabaho ngayon.
Di na nga ako magkanda ugaga sa pagsagot sa email ng mga fans clients at prospectss. Tumagal na rin kasi ang processing times ngayon para sa work permit application sa Canada. Kaya ayun, ang daming naiinip at panay ang follow up.
Ang dami ring nagpapadala ng email sa akin at humihingi ng payo sa kanilang refused work permit application. Ano daw ba ang pwede gawin? Hindi ko talaga maintindihan yung ganung takbo ng pag-iisaip. Kung kelang refused na tsaka lang magpapatulong. Mas napapagastos lang lalo sila ng malaki. Pwede namang magpatulong bago mag-apply. Ewan ako ba.
Tapos magkakaroon pa yata ako ng bagong assignment. Syempre ayus lang yun, kasi ibig sabihin nun, dagdag moolah. Uhm… I hope.
Sa Miyerkules naman, bibiyahe na ulit ako papuntang Pangasinan para bisitahin si Pia. At sa Linggo naman ay nasa Angeles City ako ulit para mag-conduct ng seminar.
Hmm… naisip ko lang bigla, wala na pala ako time sa aking love life ah. LOL
Hindi ako pumasok sa trabaho noong Biyernes. Honors Day kasi nila Pia para sa First Grading Period at kasama sya sa Achivers List. Special request nya nya ako daw magsabit ng ribbon nya. Tuwang-tuwa ako syempre!
Akalain mo yun, sya ang may pinakamataas na grade sa lahat ng mga kinder students sa school nila. Asteeg! Manang-mana talaga sa pinagmanahan.
At dahil alam kong mahilig sya sa mga libro, yun ang premyo ko sa kanya. Isinama ko sya sa book store at pinapili ko sya ng mga gusto nyang libro.
Ang dami nyang kinuhang libro, inawat ko na nga at baka wala na ako ibayad. hehe! Natutuwa nga ako at mahilig sya sa libro. Gustong-gusto nya na binabasahan ko sya ng mga kwento. Para tuloy akong si Kuya Bojie ng Batibot tuwing nagbabasa ako ng kwento sa kanya.
Ang saya-saya!
Nakakatuwa naman ang ACS, nagbibigay sila ngayon ng pagkakataon para sa mga graduates ng Sisters of Mary School para magtrabaho bilang Customer Service Rep at Technical Support Rep. Balita ko pa nga ay nagbigay din ng tulong pinansyal at libreng training para sa mga estudyante.
Salamat po!
Galing ako sa Pangasinan kahapon, ako ulit ang naghatid kay Pia sa school. Nagkataon naman na bigayan ng card. No. 1 si Pia sa klase nila.
Nakausap ko yung slim, long hair at cute na teaher ni Pia na si Teacher Emily. Mabilis daw matuto si Pia at unti-unti nang natututong bumasa. Yun nga lang, medyo may kakulitan daw at maingay sa klase. Bukod pa doon, matigas daw ang ulo. Yung tipong ang gusto daw ay gusto.
Syempre pa, medyo nag-aalala ako doon. Kita ko naman na medyo may katigasan ang ulo. What can I say? Mana-mana lang talaga siguro. Clue: hindi matigas ang ulo ko.
Kinausap ko si Pia at nangako naman sya na babaguhin nya raw yun. Pagbalik ko next week, kukumustahin ko ulit sya kay Teacher Emily na ang ganda-ganda lalo na kapag ngumingiti.
Minsan nga naiisip kong tanung kung interesado sya to immigrate to Canada o kaya naman ay baka interesado sya sa New Zealand Immigration para lang mas magkausap kami ng matagal. hehe!
Uhm… balik ako kay Pia.
kahapon nung papunta kami sa mall, medyo tahimik sya sa sasakyan. Akala ko ay inaantok kaya tinanong ko. Hindi daw. Iniisip nya raw yung sinabi ni Teacher Emily nya. Sabi ko sa kanya, hindi ko sya isusumbong sa Lola nya at sa Mommy nya basta mangako sya na hindi na sya magiging makulit at matigas ang ulo. Nangako naman sya.
Sana nga ay medyo mabago ni Pia ang ugaling yun.
Magkakaroon pala ng snap election sa Canada. Malapit na rin ang eleksyon sa US. Sa Pilipinas naman, 2010 pa ang susunod na eleksyon.
Pero ngayon pa lang nagpupwestuhan na ang mga kakandidato sa pagkapresidente. Bagamat hindi naman nila hayagang sinasabi na sila ay tatakbo, medyo obyus naman ang pamumultika.
Maraming napapabalita na tatakbo sa pagka-presidente. Nariyan si Manny Villar, Mar Roxas, Loren Legarda. Wala pa akong napipisil sa kanila.
Samantala, si Pacquiao naman ay napabalitang tatakbo din sa 2010. Malamang ay sa pagkasenador. Ilang laban na nga lang daw matapos ang Pacquiao vs Dela Hoya fight ay magreretiro na sya. Pag nagkataon, dadami ang magsisirkus sa Senado. Grrr…
Biglang bumaba yung stats ng Canada Visa blog ko. Na-deindxed kasi ng google ang maraming pages at yun pang mga hot key words ko. Bad trip talaga.
Eh paano na makikita ang blog ko ng mga naghahanap ng Canada Jobs?
Tapos, lalabas pa yung immigration priorities. Tiyak, maraming maghahanap nito. Dati lagi akong nasa first page kapag may nag search ng AINP Family Stream, ngayon wala na sa top results yung blog ko. Buti na nga lang at may digg at yahoo buzz. Kahit paano ay may nagdadala pa rin ng traffic sa site ko.
Hmmm… what have I done wrong, King G?
September na naman, umpisa na naman ang ber months. Malapit na ang pasko!
Sabi nila, mas masarap pa rin daw ang pasko dito sa Pinas. Mas masaya. Mas ramdam ang pasko. Siguro nga.
Pero kung tutuusin ang pasko ay isang ispirtitwal na pagdiriwang dapat. Pero dahil komersyalisado na masyado ang pasko, gaya ng maraming okasyon, kung wala kang pera, hindi magiging “masaya” ang pasko.
Kayo ano, sa inyo ang pasko? O gusto nyo rin ba ng white christmas?