Nanood kami ni Pia ng Birthday Celebration ni Barney sa Mall of Asia kagabi. Tuwang-tuwa si Pia kaya naman masaya rin ako. Pero matapos ang palabas ay parang bigla ako natigilan. Wala pang isang oras, naglaho na yung P 2,900.00 ko!
VIP Ticket kasi ang binila ko at P1,450.00 ang isa. Nakakapanghinayang din. Pero sa isang banda, sulit na rin siguro yun kasi masaya nag-enjoy naman si Pia. At tsaka galing lang naman sa kita ko sa adsense ang ginamit ko doon. May kinita kasi akong US$ 211.86 noong nakaraang buwan at nakuha ko yun sa Western Union noong Lunes.
Ganunpaman, naiisip ko pa rin na parang sayang yung pera. Pwede ko rin naman sanang ideposito na lang yun sa bank account ni Pia bilang paghahanda sa mga pangangailangan nya sa hinaharap. Pero tapos na naman yun eh. Sa susunod ay pag-iisipan ko na ring maigi bago gumastos. Kaya lang ang hirap naman tumanggi kapag niyakap na ako ni Pia at humiling ng ganito at ganyan.