Archive for March, 2009

I’m back!

March 29, 2009

Matagal-tagal ko rin palang hindi na-update ang blog kong ito.  Paumanhin po sa dalawa kong tagasubaybay.  Naging abala lang po sa trabaho at sa ilang mga bagay-bagay.  Pero hindi ko na kayo muling iiwan.  Pangako!

Ilan ang mga ito sa mga bagong pangyayari sa buhay ko:

Bagong blogs, bagong domains!

Ngayong buwan ng Marso, may binili akong dalawang domains.  Naisip ko kasing hindi ko makukuha yung target kong $500 na kita mula sa adsense kung hindi ako magdadagdag ng raket.  Kaya yun, may bago akong blogs – ang NZ Immigration Guide at Batangas Beach Resorts.  Bisitahin din po ninyo at huwag mahiyang i-link sa blogs nyo. hehe!

Travel and Travel

Gaya ng naipangako ko kay Pia, mamamasyal kami sa Bohol sa susunod na buwan.  Regalo ko iyon sa graduation nya.  Malapit na syang maging dentist kasi tapos na sya sa kinder.  Excited na nga sya sumakay ng eroplano at makakita ng mga tarsiers. May tiket na kami mula sa Cebu Pacific (papuntta) at Zest Air (pabalik).  Pero wala pang katiyakan kung saan kaming resort o hotel tutuloy.  Pahirapan sa booking eh.  Bahala na si Batman.

May tiket na rin kami papuntang Hong Kong, 4 na araw at 3 gabi kami doon.  Inaayos ko pa rin ang itinerary namin.  Ang natitiyak ko lang, pupuntahan ko si Mickey Mouse.  Birthday gift ko naman ito sa kanya.

Wala sanang magbanggang mga kometa o planeta para matuloy ang lakad damin.  Excited na kasi talaga si Pia.

O sya, magsasagot muna ako ng mga emails at tambak pa rin ako.