Archive for April, 2009

Ano kayang sunod, dog flu?

April 28, 2009

Hindi na nga yata ligtas ang manirahan sa planetang earth.  Kung anu-ano nang sakit ang lumalabas.

Noong unang lumabas ang balita tungkol sa AIDS, talaga namang nagimbal ang mundo dito.  Pero ngayon, parang karaniwan na lang ito.

Tapos, pumutok yung balita tungkol sa SARS at bird flu.  At ngayon nandyan naman ang swine flu.

Tsk! Ano kayang sunod, dog flu?

Masarap ang Libre

April 24, 2009

Madalas kong marinig yung sinasabing masarap ang bawal.  Pero masarap din ang libre, di ba?

Noong Miyerkules, hindi ako pumasok sa trabaho dahil tinamad nagpa check-up ako.  Akalain mong nakakuha ako ng dalawang discount cards ng araw na iyon!

Makalibre ako ng halo-halo galing sa Chowking dahil sa transaksyon ko sa Western Union.  Nagpadala muna kasi ang pera sa ermat ko bago ako pumunta sa San Juan de Dios. Tapos yung gamot na binili ko, naka discount naman ako ng 25% galing sa Pfizer.

Syempre tuwang-tuwa ako. Libre eh!

Uhm.. bigla tuloy ako napaisip, does that make me a patay gutom blogger? :D

Para makuha mong bansagan  na patay gutom ang isang  tao, grupo ng mga tao o klasipikasyon ng grupo, siguro ang taas-taas na ng tingin mo sa sarili nun. Bad.

Bonding sa Bohol

April 18, 2009

Tatalong araw matapos ang Baguio City Tour kasama ang dalawang kaibigan, bumiyahe ako ulit para sa isa pang bakasyon. Pumunta ako sa Panglao Island sa Bohol kasama naman si Pia. Regalo ko ito sa kanya kasi nga 1st honor sya sa kinder class at may award sya doon sa moving up ceremony nila.

chocolatehills

Chocolate Hills Philippines

Tatlong araw at dalawang gabi kami sa Bohol. Marami kaming pinuntahan kasama na ang Chocolate Hills at kumain din kami don sa floating resturant sa Loboc River.

First time ni Pia sumakay ng eroplano kaya medyo kabado ako at baka matakot. Mabuti na lang at sabi nya pa nga ay parang hindi gumagalaw yung eroplano noong nasa ere na kami. Tinanong nya pa nga ako bakit walang trapik sa eroplano at syempre binigyan ko sya ng scientific explanation. Kasi anak hindi nakikialam si sa eroplano si Bayani Fernando. Nasa van na kasi kami noong tinanong nya ako at sakto namang nagkalat yung mga posters ni BF sa daan. :D

Ang natakot sya ay doon sa bangka, noong nag island hopping kami. Muntik na nga kaming magrosaryo habang nasa bangka. Hindi nya tuloy masyado na-enjoy yugn dolphin watching. Magdasal daw kami para hindi lumubog ang bangka. :-)

Muntik na ako tumabling doon sa Balicasag Island. Nagpaluto kasi ako doon ng makakain namin at gusto raw ni Pia ng tinolang manok. Akalain mong ang isang kilo ng manok doon ay P300! hehe!

Sa kabuuan ay nag-enjoy naman si Pia. Kapag first honor daw sya ulit doon ulit kami pumunta. Sabi ko sa kanya ay depende yun kung may pera pa kami. Kung wala daw eh di sa bahay na lang kami. Ayuz!

Prep na si Pia Next Year!

April 4, 2009

Tapos na si Pia sa kinder! Malapit na sya maging dentist! Yey!

Ang saya-saya ni Pia kahapon sa moving up ceremony nila.  Nandoon kasi kami pareho ng Mommy nya at dalawa kaming nagsabit ng medals nya.  May kaunti ring salu-salo sa bahay at syempre pa, si Pia ang bida.  Aba! Ikaw na ang maging first honor! :-)

Pwede na sana sya mag enroll sa grade one sa susunod na pasukan kasi anim na taong gulang na sya sa July.  Pero hindi ko pa sya ipapasok sa elementary at baka mabigla.  Sana ay magtuloy-tuloy si Pia.  Medyo may katigasan din kasi ang ulo at tamad mag-aral.  Kapag tinuturuan ng lola nya, lagi sila nagtatalo kasi alam nya na daw yun.

At eto pa.  Kapag elementary na daw sya, doon daw sya papasok sa school sa tapat ng bahay para tatawid na lang daw sya.  Tamang-tama, sabi ko.  Walang bayad doon kasi public school yun.  Kaya ayun, kapag tatanungin mo sya ngayon kung bakit nya gusto don sa tapat, ang sasabihin nya ay para walang bayad. hehe!