Tapos na si Pia sa kinder! Malapit na sya maging dentist! Yey!
Ang saya-saya ni Pia kahapon sa moving up ceremony nila. Nandoon kasi kami pareho ng Mommy nya at dalawa kaming nagsabit ng medals nya. May kaunti ring salu-salo sa bahay at syempre pa, si Pia ang bida. Aba! Ikaw na ang maging first honor!
Pwede na sana sya mag enroll sa grade one sa susunod na pasukan kasi anim na taong gulang na sya sa July. Pero hindi ko pa sya ipapasok sa elementary at baka mabigla. Sana ay magtuloy-tuloy si Pia. Medyo may katigasan din kasi ang ulo at tamad mag-aral. Kapag tinuturuan ng lola nya, lagi sila nagtatalo kasi alam nya na daw yun.
At eto pa. Kapag elementary na daw sya, doon daw sya papasok sa school sa tapat ng bahay para tatawid na lang daw sya. Tamang-tama, sabi ko. Walang bayad doon kasi public school yun. Kaya ayun, kapag tatanungin mo sya ngayon kung bakit nya gusto don sa tapat, ang sasabihin nya ay para walang bayad. hehe!