Bonding sa Bohol

By apolthegreat

Tatalong araw matapos ang Baguio City Tour kasama ang dalawang kaibigan, bumiyahe ako ulit para sa isa pang bakasyon. Pumunta ako sa Panglao Island sa Bohol kasama naman si Pia. Regalo ko ito sa kanya kasi nga 1st honor sya sa kinder class at may award sya doon sa moving up ceremony nila.

chocolatehills

Chocolate Hills Philippines

Tatlong araw at dalawang gabi kami sa Bohol. Marami kaming pinuntahan kasama na ang Chocolate Hills at kumain din kami don sa floating resturant sa Loboc River.

First time ni Pia sumakay ng eroplano kaya medyo kabado ako at baka matakot. Mabuti na lang at sabi nya pa nga ay parang hindi gumagalaw yung eroplano noong nasa ere na kami. Tinanong nya pa nga ako bakit walang trapik sa eroplano at syempre binigyan ko sya ng scientific explanation. Kasi anak hindi nakikialam si sa eroplano si Bayani Fernando. Nasa van na kasi kami noong tinanong nya ako at sakto namang nagkalat yung mga posters ni BF sa daan. :D

Ang natakot sya ay doon sa bangka, noong nag island hopping kami. Muntik na nga kaming magrosaryo habang nasa bangka. Hindi nya tuloy masyado na-enjoy yugn dolphin watching. Magdasal daw kami para hindi lumubog ang bangka. :-)

Muntik na ako tumabling doon sa Balicasag Island. Nagpaluto kasi ako doon ng makakain namin at gusto raw ni Pia ng tinolang manok. Akalain mong ang isang kilo ng manok doon ay P300! hehe!

Sa kabuuan ay nag-enjoy naman si Pia. Kapag first honor daw sya ulit doon ulit kami pumunta. Sabi ko sa kanya ay depende yun kung may pera pa kami. Kung wala daw eh di sa bahay na lang kami. Ayuz!

One Response to “Bonding sa Bohol”

  1. buhid Says:

    in fairness kay Bayani nde ba bumuti trapik nung cya na MMDA compared sa iba?

Leave a Reply