Archive for May, 2009

Wow! Philippines!

May 27, 2009

10 na taoan pala ang nakakaraan ng ratipikahahan ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement.  Kaugnay nito ay nagkaroon ng concert/protest sa Rajah Solayman Park sa Malate kanina.  At dahil nabalitaan kong tutugtog ang The Jerks, pinilit kong makapunta kahit na nakaamba ang ulan. Wala eh. I am and will always be a fan of the Jerks. :-)

Ang siste, hindi naman dumating ang The Jerks.  Ganunpaman, hindi naman ako nagsisi dahil nandon naman ang Datu’s Tribe.  Gusto ko yung kanta nilang Whoa! Pilipinas! Hinanap ko nga agad ang lyrics.hehe!

Whoa! Pilipinas
Datu’s Tribe

Napakarami pang kagiliw-giliw na mga bagay na maipapamalas sa bayan ko na maaaring hindi nyo nakita nung kayo’y unang bumisita rito.
Kaya’t halina’t tuklasin ang ilan sa mga kaganapan at tanawin na higit na makapaglalarawan sa mga hindi binabanderang aspeto ng
Whoa! Pilipinas

Nangingibang-bayan ang aming masisipag at matatalino
Ang pangunahing eksport nami’y nagugutom na mga desperado
Kinabukasan ng nakararami’y sinasalalay sa Lotto
At ang mga pag-asa ni Pepe’y tumitira ng rugby sa kanto

Whoa! Pilipinas

Umiimport kami ng mga binabasurang produkto
Mga mamamahayag nag-eendorso ng alak, gamot at shampoo
May mga titser na nagbebenta ng insurance, damit at tocino
Karaniwang pasahod kasi’y sapat lang bumuhay ng aso

Whoa! Pilipinas

Ang bagong relihiyon ng masa ay tele-pantasya
Kaya mga artista dito’y mga pulitiko rin at vice-versa
Andaming kampon ni Bonifacio na nasa center na ng mga elitista
Na nagiging tambayan ng mga bagong burgis na dating aktibista

Whoa! Pilipinas

Galamay ng sindikato ang mga pulis at sundalo
Nagiging congressman ang mga sugarol at babaero
Pwedeng-pwedeng maging milyonaryo sa sweldo mo sa gobyerno
At umuupo sa pwesto mga di naman nananalo

Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Nang inyo nang makita
Mga di ninyo nakita

Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Nang inyo nang makita
Mga di pinapakita sa inyo

Mga di pinapakita
sa inyo.

Astig! Di ba? Datu’s Tribe rocks!

Happy Mother’s Day, Inay!

May 10, 2009

ermat

Kung ako ang anak ni Edring, siya naman ang asawa ni Edring. Siya ang aking Inay!

Nagdate kami kanina ng Inay. Nagtanghalian kami sa Flavors of Asia sa Robinsons Lipa kasama ang aking mga pamangkin.

Pacquio: Bayani ng lahing Pilipino?

May 9, 2009

Papunta ako kanina sa Mall of Asia nang makita ko yung banner na nakasabit sa MRT station sa sa Pasay Rotonda para kay Manny Pacquiao. Siya raw ay bayani ng lahing Pilipino at galing ang mensaheng iyon kay Gloria Macapagal Arroyo. Kaugnay ito ng pagkapanalo ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton.

Magaling naman talagang boksingero si Pacquiao, walang duda yun. Pero yung tawagin syang bayani ng lahing Pilipino, lokohan na yun!

Ano ba ang nagawa ni Manny, bukod sa manalo ng limpak-limpak na salapi sa pakikipagsuntukan sa ring, para tawagin syang bayani ng lahing Pilipino? Dahil nagkakaisa ang mga Pinoy at nababawasan ang krimen tuwing may laban sya?

Sus! Eh yun ngang simpleng self quarantine requirement na munghkahi ng DOH pagbalik nya dito ay ipinagwalalng bahala nya.  Iyon ay para masiguradong hindi maikalat ang swine kung sakali man na may infected na ng swine flu sa team nya. Yun ba ang bayani?  Nagagalit tuloy si Doc Emer. :-) Sabi ko nga, hintayin nyong maging kongressman yan. hehe!

Kung yun ang pamantayan para maging bayani, pwede na rin siguro tawaging santa si Aling Dionisia dahil laging nagdadasal at may bitbit na Sto. Nino. At tsaka sabi nya sikit na rin sya. Uhm… sige na nga. Sikat na naman talaga si Aling Dionisia dahil sa media na kulang na lang ay ibalita kung anong kulay ang tae ni Pacquiao matapos ang laban kay Hatton.

Hindi nga, paano naging bayani ng lahing Pilipino si Pacquiao?