10 na taoan pala ang nakakaraan ng ratipikahahan ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement. Kaugnay nito ay nagkaroon ng concert/protest sa Rajah Solayman Park sa Malate kanina. At dahil nabalitaan kong tutugtog ang The Jerks, pinilit kong makapunta kahit na nakaamba ang ulan. Wala eh. I am and will always be a fan of the Jerks.
Ang siste, hindi naman dumating ang The Jerks. Ganunpaman, hindi naman ako nagsisi dahil nandon naman ang Datu’s Tribe. Gusto ko yung kanta nilang Whoa! Pilipinas! Hinanap ko nga agad ang lyrics.hehe!
Whoa! Pilipinas
Datu’s TribeNapakarami pang kagiliw-giliw na mga bagay na maipapamalas sa bayan ko na maaaring hindi nyo nakita nung kayo’y unang bumisita rito.
Kaya’t halina’t tuklasin ang ilan sa mga kaganapan at tanawin na higit na makapaglalarawan sa mga hindi binabanderang aspeto ng
Whoa! PilipinasNangingibang-bayan ang aming masisipag at matatalino
Ang pangunahing eksport nami’y nagugutom na mga desperado
Kinabukasan ng nakararami’y sinasalalay sa Lotto
At ang mga pag-asa ni Pepe’y tumitira ng rugby sa kantoWhoa! Pilipinas
Umiimport kami ng mga binabasurang produkto
Mga mamamahayag nag-eendorso ng alak, gamot at shampoo
May mga titser na nagbebenta ng insurance, damit at tocino
Karaniwang pasahod kasi’y sapat lang bumuhay ng asoWhoa! Pilipinas
Ang bagong relihiyon ng masa ay tele-pantasya
Kaya mga artista dito’y mga pulitiko rin at vice-versa
Andaming kampon ni Bonifacio na nasa center na ng mga elitista
Na nagiging tambayan ng mga bagong burgis na dating aktibistaWhoa! Pilipinas
Galamay ng sindikato ang mga pulis at sundalo
Nagiging congressman ang mga sugarol at babaero
Pwedeng-pwedeng maging milyonaryo sa sweldo mo sa gobyerno
At umuupo sa pwesto mga di naman nananaloHalina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Nang inyo nang makita
Mga di ninyo nakitaHalina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Nang inyo nang makita
Mga di pinapakita sa inyoMga di pinapakita
sa inyo.
Astig! Di ba? Datu’s Tribe rocks!