Bilang pagtatapos sa anti-conass rally sa Makati noong June 10 ay kinanta namin ang makabayang awiting Bayan Ko. Napansin ko ang mamang ito na taas kamao ding kumakanta gaya ng mga sankatibakan na naroroon.
Hindi man ganun kalaki ang sumama sa rally, makahulugan para sa akin ang larawang ito. Hangga’t may mga taong tulad ng mamang ito na handang manindigan at lumaban, darating din ang araw na makakamtan natin ang tunay na kalayaan.
Tuloy ang laban para sa tunay na kalayaan at demokrasya!
July 7, 2009 at 4:21 am |
heto na naman ako..
naiyak ako dito cguro maiiyak ka rin lo
http://nikoganda.blogspot.com/2009/07/article-that-made-me-cried-today.html
July 22, 2009 at 5:59 am |
Madalas OA na tin ang mga akitbista/raliyista. Kelangan ba talagang maging kontra-gubyerno parati? Kelangan ba talaga lagi sumalungat sa namumuno? Hindi ba pwedeng maki-pagisa na lang?
July 26, 2009 at 3:40 pm |
Alin ba sa tinututulan ng mga aktibista ang hindi dapat tutulan sa palagay mo? Payag ka ba sa ConAss? Payag ka ba na di makatarungan ang sahod ng manggagawa? payag ka ba na yung mga magsasaka walang sariling lupa? Payag ka ba sa komersyalisasyon ngn edukasyon? Payag ka bang babuyin ang eleksyon, Hello Garci? Payag ka ba sa korapsyon, ZTE?
Kung payag ka sa ganyan, eh di makiisa ka sa kanila. Pero hindi OA ang ipaglaban ang tama sa palagay ko lang naman.
Salamat sa pagbahagi ng opinyon mo.