Nasa coffee shop ako kanina nang mabasa ko sa dyaryo yung Noynoy for President signature campaign.
Ok ba talaga si Noynoy?
Yung paborito kong kolumnista na si Conrado De Quiros, suportado rin si Noynoy at isa pa nga yata sya sa mga naunang nag-udyok kay Noynoy para tumakbo sa Philippines 2010 Election. Noynoy for President na nga ba?
Kung tutuusin eh wala ka naman talaga itulak-kabigin sa mga nag-aabisyong maging presidente. Hindi dahil sa lahat sila ay mahuhusay at mapagkakatiwalaan. Walang itulak-kabigin kasi lahat gusto mo tadyakan palayo. hehe!
Pero si Noynoy? Hmm… bukod sa anak sya ni Cory at Ninoy, ano ba ang signipikanteng napatunayan nya na? Ok, madalas ay nasa panig sya ng mga progresibong kilusan pagdating sa mgg isyung may kinalaman sa mga inaaping sektor. Ganunpaman, hidni ko pa rin tiyak kung iboboto ko siya.
Ayusin nya muna ang kalagayan ng mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita at ibigay ang dapat ibigay sa mga magsasaka. At paano na yung biktima ng Hacienda Luisita massacre? Kung maging pangulo si Noynoy, hindi malayong mas protektahan nya pang lalo ang kanilang lupain. Eh di lalong dadami ang alahas ni Kris Aquino na katas daw ng tubuhan?