Archive for the ‘balita’ Category

2 Fil-Am Fighters sa UFC 102!

August 28, 2009

May dalawang Fil-Ams ang lalaban sa UFC 102 – sina Brandon Vera at Mark Munoz.  Siyempre hindi sila kasing sikat ni Manny Pacquio, na may laban din sa November (Paquiao-Cotto showdown).  Ganunpaman, sa larangan ng Mixed Martial Arts (MMA) naman ay may pangalan na rin sila kahit paano.

Interesado ka manood? Para sa impormasyon kung paano mo mapapanood: UFC 102 Live Stream.

I’m back!

July 10, 2009

Naks! Para namang may nagbabasa ng blog na ito. hehe! Ganunpaman, sisikapin kong sipagan ng kaunti ang pag-update sa blog kong ito.

Pitong taon na lang ay 40 years old na ako. Target kong magretiro sa edad na 40, yung tipong nagtatanim na lang ako ng kamote sa likod bahay at hindi na kumakayod ng todo para lang mabuhay. Ayaw ko na ng may amo sa edad na iyon. Life begins at 40, sabi nga nila. Senti mode ako niting mga nakaraang araw. Ewan ko ba kung anong tumama sa akin at bigla ako nalungkot. Bertday ko noong Martes at salamat nga pala sa bumati, lalo na sa kaibigang si Niko, na gumawa pa ng blog post. Tats talaga ako. :-)

Nagsisipag na ulit ako mag-blog don sa mga pinagkakakitaan kong blog. hehe! Narito ang ilang updates:

Tungkol sa Canada Visa application, Hepatitis B at Lupus Disease.

Napapabalita na sasali daw si Bill Clinton sa Phi Beta Sigma.

Tungkol naman sa pagkamatay ni Micheal Jackson, kung di nyo pa napanood, narito yung Michael Jackson Memorial Service Full Video.

Ladies and Gentlemen of the House, Explain Yourselves!

June 3, 2009

Nagmamadali kagabi ang mga palaka sa Bastusang Pambansa na ipasa ang HR 1109.  Layunin ng nasabing resolusyon na gawing Constituent Assembly ang kongreso, para baguhin ang konstitusyon kahit hindi kasama ang Senado.

Dahil mayorya ng mga buwaya sa kongreso ay sunod-sunuran kay GMA, hindi malayong palawigin pa nila ang termino ng amo nila.  Payag ka ba dito?

Kung hindi, narito ang isang paraan upang iguhit ang iyong pagtutol.

conass

Nalampasan ni GMA ang Garci issue, ang ZTE, ang political killings at iba pang kung anu-anong corruption issues. Palalampasin nyo pa rin ba ang pambababoy ng kampo/n nya sa ating Saligang Batas?

Sabi nga, “All that is necessary for the triumph of evil is that good men do thing.”

Ano kayang sunod, dog flu?

April 28, 2009

Hindi na nga yata ligtas ang manirahan sa planetang earth.  Kung anu-ano nang sakit ang lumalabas.

Noong unang lumabas ang balita tungkol sa AIDS, talaga namang nagimbal ang mundo dito.  Pero ngayon, parang karaniwan na lang ito.

Tapos, pumutok yung balita tungkol sa SARS at bird flu.  At ngayon nandyan naman ang swine flu.

Tsk! Ano kayang sunod, dog flu?

Tuloy at ‘di tuloy

August 29, 2008

Matutuloy na pala ang Pacquiao vs Dela Hoya fight. Magandang laban ‘to tiyak. Una kong nabasa ang Pacquiao-Dela Hoya Megafight na ito sa blog ni Doms. Palagay ko, talo si Manny dito. Sino makikipagpustahan? 1,000 Entrecard Credits! hehehe!

Samantala, mukhang hindi matutuloy ang panood namin ng Eraserheads Reunion Concert. Wala pa kaming tickets, hindi pala nakabili si Binx kanina. Wahhhh….

O sya, makatulog at umaga na pala.