Kung tutuusin, madali lang naman talaga intindihin ang ibig sabihin nyan. Si Pia nga, naiintindihan yan eh. Pero doon sa bilyaran sa Hobbies of Asia sa Diosdado Makapagal Blvd, mistulang dekorasyon lang yan. Akala ko sa Superbowl sa Makati Cinema Square lang yan ginagawang dekorasyon. hehe!
Ibang klase nga sa Hobbies of Asia Billiards and Bar. May nakapaskil na NO SMOKING pero ang daming naninigarilyo. Ang matindi, may ibinibigay pang ashtray yung mga attendant. LOL
Halos hindi tuloy ako makahinga kanina dahil sa usok. Pero ganunpaman, muntik ko na ma-zero si Jay. 7-2 ang score, panalo na naman ako!
Ah, I love billiards game!
