Archive for the ‘My Sophia’ Category

Judge others by their questions rather than by their answers.

November 12, 2009

Araw-araw ko tinatawagan si Pia sa celphone, salamat sa SMART TALK, para makipagkwnetuhan- sa umaga bago pumasok, sa hapon pagkagaling sa school at sa gabi bago matulog.

Eto ang bahagi ng pag-uusap namin kanina:

Ako: Kumusta ka na po?

Pia: Mabuti po.

Ako: Anong ginawa nyo sa school kanina?

Pia: Syempre nag-aral. Ano pa bang ginagawa sa school? Eh di nag-aral…

Natawa na lang ako sa sagot nya. O dapat ba akong kabahan? hehe!

Coming Soon: Alice in Wonderland

July 22, 2009

Ang huling palabas na pinanood namin ni Pia sa sinehan ay yung Madagascar 2.  Natatandaan ko pa nga yung biro ko sa kaibigan ko na batang-bata ang date ko noon.  Sinundo ko pa sa school at nanood nga kami doon sa CSI sa Dagupan.  Syempre, nahulaan nya agad na si Pia ang kasama ko. :-)

Panonoorin rin sana namin yung Ice Age 3 kaya lang mukhang hindi iyon ipinalabas sa CSI Dagupan.  Bad trip nga daw eh sabi nii Pia.  Ewan ko kung kanino nya narinig yun. Kung anu-ano natututunan nyang salita. Bad trip talaga!

Pero kapag ipinalabas ang Alice in Wonderland dito sa Pilipinas, sisiguraduhin kong mapapanood namin iyon sa IMAX.  Ipapalabas na ang Alice in Wonderland sa March 2010. Pansamantala, nandito yung Alice in Wonderland trailer.

The secret of your future is hidden in your daily routine

July 12, 2009

Papunta na naman ako sa Pangasinan mamayang hapon para bisitahin si Pia. Tuwing Lunes kasi ay ako ang naghahatid sa kanya sa school at namimili na rin ng mga kailangan nya.  Kadalasan din ay ipinapasyal ko sya sa mall.  Kapag palabas na ang Ice Age 3 sa Dagupan, baka manood kami ni Pia.

Medyo maayos na ang schedule ko ngayon sa trabaho kaya hindi na ako bumibyahe ng balikan.  Dati kasi, madaling araw ako umaalis ng Manila tapos babalik na rin sa hapon. Sampung oras na byahe din yun. Nakakapagod pero syempre ayos lang yun. Anyhing for Pia.

****

May mga bago akong entries sa iba ko pang blog.

King Kung Fu Movie Review – Natawa ako sa review.  Naalala ko yung mga lumang pelikulang Tagalog, yung mga kengkoy. hehe!

On Canada’s Government Health Care System – Sa palagay ko kasi ay maayos naman ang health care system sa Canada. Pero syempre, hindi naman ito perpekto. May documentary pala tungkol dito si Michael Moore (Sicko), maghahaglap ako ng DVD Copy nun. Mukhang maganda.

CIO Mailing Address – lumang entry na pero kinailangan kong i-update.

Bonding sa Bohol

April 18, 2009

Tatalong araw matapos ang Baguio City Tour kasama ang dalawang kaibigan, bumiyahe ako ulit para sa isa pang bakasyon. Pumunta ako sa Panglao Island sa Bohol kasama naman si Pia. Regalo ko ito sa kanya kasi nga 1st honor sya sa kinder class at may award sya doon sa moving up ceremony nila.

chocolatehills

Chocolate Hills Philippines

Tatlong araw at dalawang gabi kami sa Bohol. Marami kaming pinuntahan kasama na ang Chocolate Hills at kumain din kami don sa floating resturant sa Loboc River.

First time ni Pia sumakay ng eroplano kaya medyo kabado ako at baka matakot. Mabuti na lang at sabi nya pa nga ay parang hindi gumagalaw yung eroplano noong nasa ere na kami. Tinanong nya pa nga ako bakit walang trapik sa eroplano at syempre binigyan ko sya ng scientific explanation. Kasi anak hindi nakikialam si sa eroplano si Bayani Fernando. Nasa van na kasi kami noong tinanong nya ako at sakto namang nagkalat yung mga posters ni BF sa daan. :D

Ang natakot sya ay doon sa bangka, noong nag island hopping kami. Muntik na nga kaming magrosaryo habang nasa bangka. Hindi nya tuloy masyado na-enjoy yugn dolphin watching. Magdasal daw kami para hindi lumubog ang bangka. :-)

Muntik na ako tumabling doon sa Balicasag Island. Nagpaluto kasi ako doon ng makakain namin at gusto raw ni Pia ng tinolang manok. Akalain mong ang isang kilo ng manok doon ay P300! hehe!

Sa kabuuan ay nag-enjoy naman si Pia. Kapag first honor daw sya ulit doon ulit kami pumunta. Sabi ko sa kanya ay depende yun kung may pera pa kami. Kung wala daw eh di sa bahay na lang kami. Ayuz!

Prep na si Pia Next Year!

April 4, 2009

Tapos na si Pia sa kinder! Malapit na sya maging dentist! Yey!

Ang saya-saya ni Pia kahapon sa moving up ceremony nila.  Nandoon kasi kami pareho ng Mommy nya at dalawa kaming nagsabit ng medals nya.  May kaunti ring salu-salo sa bahay at syempre pa, si Pia ang bida.  Aba! Ikaw na ang maging first honor! :-)

Pwede na sana sya mag enroll sa grade one sa susunod na pasukan kasi anim na taong gulang na sya sa July.  Pero hindi ko pa sya ipapasok sa elementary at baka mabigla.  Sana ay magtuloy-tuloy si Pia.  Medyo may katigasan din kasi ang ulo at tamad mag-aral.  Kapag tinuturuan ng lola nya, lagi sila nagtatalo kasi alam nya na daw yun.

At eto pa.  Kapag elementary na daw sya, doon daw sya papasok sa school sa tapat ng bahay para tatawid na lang daw sya.  Tamang-tama, sabi ko.  Walang bayad doon kasi public school yun.  Kaya ayun, kapag tatanungin mo sya ngayon kung bakit nya gusto don sa tapat, ang sasabihin nya ay para walang bayad. hehe!

I’m back!

March 29, 2009

Matagal-tagal ko rin palang hindi na-update ang blog kong ito.  Paumanhin po sa dalawa kong tagasubaybay.  Naging abala lang po sa trabaho at sa ilang mga bagay-bagay.  Pero hindi ko na kayo muling iiwan.  Pangako!

Ilan ang mga ito sa mga bagong pangyayari sa buhay ko:

Bagong blogs, bagong domains!

Ngayong buwan ng Marso, may binili akong dalawang domains.  Naisip ko kasing hindi ko makukuha yung target kong $500 na kita mula sa adsense kung hindi ako magdadagdag ng raket.  Kaya yun, may bago akong blogs – ang NZ Immigration Guide at Batangas Beach Resorts.  Bisitahin din po ninyo at huwag mahiyang i-link sa blogs nyo. hehe!

Travel and Travel

Gaya ng naipangako ko kay Pia, mamamasyal kami sa Bohol sa susunod na buwan.  Regalo ko iyon sa graduation nya.  Malapit na syang maging dentist kasi tapos na sya sa kinder.  Excited na nga sya sumakay ng eroplano at makakita ng mga tarsiers. May tiket na kami mula sa Cebu Pacific (papuntta) at Zest Air (pabalik).  Pero wala pang katiyakan kung saan kaming resort o hotel tutuloy.  Pahirapan sa booking eh.  Bahala na si Batman.

May tiket na rin kami papuntang Hong Kong, 4 na araw at 3 gabi kami doon.  Inaayos ko pa rin ang itinerary namin.  Ang natitiyak ko lang, pupuntahan ko si Mickey Mouse.  Birthday gift ko naman ito sa kanya.

Wala sanang magbanggang mga kometa o planeta para matuloy ang lakad damin.  Excited na kasi talaga si Pia.

O sya, magsasagot muna ako ng mga emails at tambak pa rin ako.

Good news daw!

February 2, 2009

Noong nakaraang buwan, muntik na ma-confine sa ospital si Pia dahil sa pagtate.  Pero pinadala ko agad sya sa ospital kesa naman sa ma-dehydrate.  Mabuti na lang at di naman sya kinailangang i-confine.  Niresetahan lang ng gamot at pinauwi na.

Maya’t-maya ko sya tinatawagan sa cell phone nya para kumustahin.  Ilang araw lang naman ay gumaling na din sya kaagad.  Tuwang-tuwa pa nga sya nang ibinalita nya sa akin na magaling na sya.

Daddy, may good news ako sayo!

Ows?  Ano yun!?

Buo na ang tae ko!

At sabay hagalpak sa tawa ang luka-luka. hehe!

You cannot keep out of trouble by spending more than you earn – Abraham Lincoln

November 30, 2008

Nanood kami ni Pia ng Birthday Celebration ni Barney sa Mall of Asia kagabi.  Tuwang-tuwa si Pia kaya naman masaya rin ako. Pero matapos ang palabas ay parang bigla ako natigilan. Wala pang isang oras, naglaho na yung P 2,900.00 ko!

VIP Ticket kasi ang binila ko at P1,450.00 ang isa. Nakakapanghinayang din. Pero sa isang banda, sulit na rin siguro yun kasi masaya nag-enjoy naman si Pia. At tsaka galing lang naman sa kita ko sa adsense ang ginamit ko doon. May kinita kasi akong US$ 211.86 noong nakaraang buwan at nakuha ko yun sa Western Union noong Lunes.

Ganunpaman, naiisip ko pa rin na parang sayang yung pera.  Pwede ko rin naman sanang ideposito na lang yun sa bank account ni Pia bilang paghahanda sa mga pangangailangan nya sa hinaharap.   Pero tapos na naman yun eh. Sa susunod ay pag-iisipan ko na ring maigi bago gumastos. Kaya lang ang hirap naman tumanggi kapag niyakap na ako ni Pia at humiling ng ganito at ganyan. :-)

Proud Tatay

September 21, 2008

Hindi ako pumasok sa trabaho noong Biyernes. Honors Day kasi nila Pia para sa First Grading Period at kasama sya sa Achivers List. Special request nya nya ako daw magsabit ng ribbon nya. Tuwang-tuwa ako syempre!

Akalain mo yun, sya ang may pinakamataas na grade sa lahat ng mga kinder students sa school nila. Asteeg! Manang-mana talaga sa pinagmanahan.

At dahil alam kong mahilig sya sa mga libro, yun ang premyo ko sa kanya. Isinama ko sya sa book store at pinapili ko sya ng mga gusto nyang libro.

Ang dami nyang kinuhang libro, inawat ko na nga at baka wala na ako ibayad. hehe! Natutuwa nga ako at mahilig sya sa libro. Gustong-gusto nya na binabasahan ko sya ng mga kwento. Para tuloy akong si Kuya Bojie ng Batibot tuwing nagbabasa ako ng kwento sa kanya.

Ang saya-saya!

No. 1 sa kulit

September 13, 2008

Galing ako sa Pangasinan kahapon, ako ulit ang naghatid kay Pia sa school. Nagkataon naman na bigayan ng card.  No. 1 si Pia sa klase nila.

Nakausap ko yung slim, long hair at cute na teaher ni Pia na si Teacher Emily. Mabilis daw matuto si Pia at unti-unti nang natututong bumasa.  Yun nga lang, medyo may kakulitan daw at maingay sa klase. Bukod pa doon, matigas daw ang ulo. Yung tipong ang gusto daw ay gusto.

Syempre pa, medyo nag-aalala ako doon.  Kita ko naman na medyo may katigasan ang ulo. What can I say? Mana-mana lang talaga siguro. Clue: hindi matigas ang ulo ko.

Kinausap ko si Pia at nangako naman sya na babaguhin nya raw yun.  Pagbalik ko next week, kukumustahin ko ulit sya kay Teacher Emily na ang ganda-ganda lalo na kapag ngumingiti.
Minsan nga naiisip kong tanung kung interesado sya to immigrate to Canada o kaya naman ay baka interesado sya sa New Zealand Immigration para lang mas magkausap kami ng matagal. hehe!

Uhm… balik ako kay Pia.

kahapon nung papunta kami sa mall, medyo tahimik sya sa sasakyan. Akala ko ay inaantok kaya tinanong ko. Hindi daw. Iniisip nya raw yung sinabi ni Teacher Emily nya.  Sabi ko sa kanya, hindi ko sya isusumbong sa Lola nya at sa Mommy nya basta mangako sya na hindi na sya magiging makulit at matigas ang ulo. Nangako naman sya.

Sana nga ay medyo mabago ni Pia ang ugaling yun.