Archive for the ‘My Sophia’ Category

Pwede na kaya kay Pia ang kikay kit?

August 27, 2008

Nandito ulit ako sa Pangasinan ngayon. Once a week kasi ay pinupuntahan ko si Pia at ako ang naghatid sa kanya sa school.

Dahil mamaya pang 1pm ang uwian nila Pia, tumambay muna ako ngayon dito sa Chowking Lingayen, may libreng wifi. Dala ko yung ASUS EEE PC ko kaya ok na ok. Sarap talaga ang libre. hehe!

Kanina habang inaayos ko yung bag ni Pia para ihanda yung mga dapat dalhin sa school, nakita ko sa bag nya ang cologne at baby powder nya. Tinanong ko kung bakit kailangan nyang dalhin yun sa school. Baka raw kasi bumaho sya mamaya sa school.

Dalaginding na talaga si Pia! Hmm… ibili ko na kaya sya ng kikay kit? LOL

May dalaginding na ako!

August 19, 2008

Galing na naman ako sa Pangasinan kanina, pagod na naman sa 10 oras na byahe balikan. Ang totoo nyan, mas mahaba pa ang biyahe ko kaysa sa oras na itinagal ko sa Pangasinan Pero ayus lang. Tuwang-tuwa kasi si Pia kapag ako ang naghahatid sa kanya sa school kaya sinisikap ko syang ihatid kahit isang beses lang sa isang lingo. Ganun talaga eh.

Natawa ako sa eksena kanina sa school. Habang nakatambay sa labas ng room at naghihintay magsimula ang klase, lumapit kay Pia ang classmate nyang si Jiro. May dalang isang pirasong bulaklak ng sampaguita at ibinigay kay Pia.

“Sophia, flower para sayo oh”. Hindi sumagot si Pia na noo’y abala sa paglalaro gamit ang cellphone ko. Maya-maya ay lumayo na rin si Jiro. Dedma pa rin si Pia. Hindi ko na rin sya pinansin.

Pagdating sa bahay ay tinanong ko sya tungkol doon. Kung bakit di nya pinansin si Jiro. Tatawa-tawa syang sumagot. “Wala lang, ayaw ko naman don. Makulit sya.” Akalain mo yun? hehe!

Tawa rin ako ng tawa sa reaksyon nya nung tinanong ko sya. Para syang nahihiya at iniba agad ang usapan. Kinakabahan naman ako. Limang taong gulang pa lang si Pia, mukhang magkaka boyfriend na agad. LOL

May umobile si Pia!

August 16, 2008

Ibinili ko sya ng cellphone at pinagamit ko yung umobile sim ko para araw-araw ko sya nakakausap kahit sa telepono man lang. Medyo malaki na nga ang monthly phone bill ko kasi average ng 10 minutes araw-araw kung mag-usap kami sa telepono. Pero ayos lang. May pandagdag naman kasi I’m making money online kahit papaano. Syempre hindi naman kasinglaki ng commission daw nila Abalos at FG sa ZTE.

Katatawag ko lang sa cellphone ni Pia, Lola nya nakasagot. Nasa palengke daw si Pia kasama ang Mommy nya. Mamaya na lang ulit ako tatawag.