Archive for the ‘Tibak LIfe’ Category

Nestle Fruit Selection Yogurt

July 29, 2009

Ang Nestle Fruit Selection Yogurt yata ang pangalawang product ng Nestle na gumamit ng mga blogs para i-promote ito.  Una yata nila itong ginamit sa Nestle Pops.  Parehas ko syang hindi pa natitikman. :-)

Simula kasi ng pinaslang si Ka Ding, sinimulan ko ang pagboykot sa mga Nestle products bilang pakikiisa sa mga manggagawa sa Nestle.

Kung ngayon nyo lang narinig ang tungkol dito, mas maraming impormasyon ang makikita sa There’s Blood in Your Coffee.

Sabi ng Nestle, ‘Be Good to Yourself‘. Ok naman ang panawagan na iyon.  Pero gusto ko ring sabihin sana sa Nestle: ‘Be good to your workers‘.

July 26 is Blog Action Day vs. #conass

July 26, 2009

Plano ko sanang sumama sa rally sa Batasan bukas kaya lang ay mag biglaang lakad at di ako matutuloy. Ganunpaman, nais ko pa ring iguhit ang aking pagtutol sa #ConAss kahit sa pamamagitan man lang ng pagsali sa Blog Action Day vs. ConAss.

No to ConAss!

Huwag nating tuluyang babuyin at paglauran ng mga alipores ni Gloria ang batas at  ang ating konstitusyon.  Tutulan ang ConAss ng mga talipandas!

Araw ng Kalayaan

June 12, 2009

vendorBilang pagtatapos sa anti-conass rally sa Makati noong June 10 ay kinanta namin ang makabayang awiting Bayan Ko.  Napansin ko ang mamang ito na taas kamao ding kumakanta gaya ng mga sankatibakan na naroroon.

Hindi man ganun kalaki ang sumama sa rally, makahulugan para sa akin ang larawang ito.  Hangga’t may mga taong tulad ng mamang ito na handang manindigan at lumaban, darating din ang araw na makakamtan natin ang tunay na kalayaan.

Tuloy ang laban para sa tunay na kalayaan at demokrasya!

Ladies and Gentlemen of the House, Explain Yourselves!

June 3, 2009

Nagmamadali kagabi ang mga palaka sa Bastusang Pambansa na ipasa ang HR 1109.  Layunin ng nasabing resolusyon na gawing Constituent Assembly ang kongreso, para baguhin ang konstitusyon kahit hindi kasama ang Senado.

Dahil mayorya ng mga buwaya sa kongreso ay sunod-sunuran kay GMA, hindi malayong palawigin pa nila ang termino ng amo nila.  Payag ka ba dito?

Kung hindi, narito ang isang paraan upang iguhit ang iyong pagtutol.

conass

Nalampasan ni GMA ang Garci issue, ang ZTE, ang political killings at iba pang kung anu-anong corruption issues. Palalampasin nyo pa rin ba ang pambababoy ng kampo/n nya sa ating Saligang Batas?

Sabi nga, “All that is necessary for the triumph of evil is that good men do thing.”

Wow! Philippines!

May 27, 2009

10 na taoan pala ang nakakaraan ng ratipikahahan ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement.  Kaugnay nito ay nagkaroon ng concert/protest sa Rajah Solayman Park sa Malate kanina.  At dahil nabalitaan kong tutugtog ang The Jerks, pinilit kong makapunta kahit na nakaamba ang ulan. Wala eh. I am and will always be a fan of the Jerks. :-)

Ang siste, hindi naman dumating ang The Jerks.  Ganunpaman, hindi naman ako nagsisi dahil nandon naman ang Datu’s Tribe.  Gusto ko yung kanta nilang Whoa! Pilipinas! Hinanap ko nga agad ang lyrics.hehe!

Whoa! Pilipinas
Datu’s Tribe

Napakarami pang kagiliw-giliw na mga bagay na maipapamalas sa bayan ko na maaaring hindi nyo nakita nung kayo’y unang bumisita rito.
Kaya’t halina’t tuklasin ang ilan sa mga kaganapan at tanawin na higit na makapaglalarawan sa mga hindi binabanderang aspeto ng
Whoa! Pilipinas

Nangingibang-bayan ang aming masisipag at matatalino
Ang pangunahing eksport nami’y nagugutom na mga desperado
Kinabukasan ng nakararami’y sinasalalay sa Lotto
At ang mga pag-asa ni Pepe’y tumitira ng rugby sa kanto

Whoa! Pilipinas

Umiimport kami ng mga binabasurang produkto
Mga mamamahayag nag-eendorso ng alak, gamot at shampoo
May mga titser na nagbebenta ng insurance, damit at tocino
Karaniwang pasahod kasi’y sapat lang bumuhay ng aso

Whoa! Pilipinas

Ang bagong relihiyon ng masa ay tele-pantasya
Kaya mga artista dito’y mga pulitiko rin at vice-versa
Andaming kampon ni Bonifacio na nasa center na ng mga elitista
Na nagiging tambayan ng mga bagong burgis na dating aktibista

Whoa! Pilipinas

Galamay ng sindikato ang mga pulis at sundalo
Nagiging congressman ang mga sugarol at babaero
Pwedeng-pwedeng maging milyonaryo sa sweldo mo sa gobyerno
At umuupo sa pwesto mga di naman nananalo

Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Nang inyo nang makita
Mga di ninyo nakita

Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Nang inyo nang makita
Mga di pinapakita sa inyo

Mga di pinapakita
sa inyo.

Astig! Di ba? Datu’s Tribe rocks!

Rebolusyon o Immigration?

August 24, 2008

Dahil sa blog review ng Canada Visa Philippines blog ko, naisip ko na ang trabaho ko pala ngayon ay halos katulad lang ng gawain ko bilang tibak noong nasa college pa ako.

Noon, tumutulong ako sa pagmumulat ng mga estudyante’t manggagawa tungkol sa pambansang sitwasyon, sa kalagayang panlipunan, sa mga problemang kinakaharap ng karaniwang mamamayan. Mula dito’y magbibigay ng mungkahi kung paano itong malulunasan.

Syempre pa, kailangan ng sama-samang pagkilos para magkaroon ng makabuluhang pagbabago sa lipunan, ugatin dapat ang problema, baguhin ang sistema. Kailangan ng rebolusyon. Not necessarily na makipaggera, syempre.

Ngayon naman, trabaho ko ang ipaliwanag sa mga gustong magtrabaho sa ibang bansae ang tungkol sa problema dito sa bansa, ang kalagayan ng mga contract workers, kung bakit may mga ilang taon nang nagtatrabaho pero nabubuhay pa rin ng isang kahig isang tuka. Ang kaibahan lang ngayon, hindi na rebolusyon ang mungkahi ko. Immigration. hehe!

Tibak ang itawag mo sa akin

August 22, 2008

Nang mabasa ko ang kwento ni Niko tungkol sa encounter nila ni Binx sa PLM, naalala ko bigla yung kahalintulad na karanasan ko noong nasa college pa ako.

First year first semester pa lang ay tibak na ako. Di nga sila nahirapan magrecruit sa akin kasi walk-in ako. hehe!

Bilang graduate ng Sisters of Mary School na medyo konserbatibo sa maraming bagay, hindi popular sa mga kakilala ko sa school ang mapasangkot sa sangkatibakan. Kaya naman laking tuwa ko noong may nakilala ako na tibak din na graduate din ng Sisters of Mary School. Nakakatawa pa nga pangyayaring yun.

Kasagsagan ng debate noon sa Senado tungkol sa ratipikasyon ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT), nagkaroon ng kilos protesta ang mga kabataan at sumugod sa US Embassy. Hindi natapos ang programa dahil bigla kaming binuwag sa pamamagitan ng teargas at batuta. Yun ang unang pagkakataon na maranasan ko yun. Baptism of fire daw sabi ng mga kasama kong tibak.

Syempre pa, takbuhan kami at nagkahiwa-hiwalay na. Pero karamihan sa amin ay tumakbo patungong Taft Avenue para doon ulit magkupol-umpol. Habang tumatakbo, may biglang tumawag sa akin na kasabay kong tumatakbo din.

“Apolonio?!” Halatang gulat sya sa tono ng pagtatanong nya na medyo pasigaw pa nga. Hindi ko sya agad namukhaan pero di nagtagal ay nakilala ko rin sya.

“Florencio”?! Ganting tanong ko naman sa kanya. At tama nga ako. Sya nga si Florencio na classmate ko noong high school at sa PUP pala sya nag-aaral. Sya ang unang tibak na nakilala kong galing sa Sisters of Mary School. At madami pala kaming naging tibak hanggang ngayon.

Apolonio. Florencio. Ang gagandang pangalan. haha!