Archive for the ‘Trabaho lang po’ Category

Tumbling ako eh!

July 30, 2009

May aplikante na nagpadala ng email sa akin.  Sumat ulo sa pag-intinde kung ano gusto nya sabihin.

guzto q po tlg mkapag apply o mkapag trabaho z canada pero ang problema q po tlg e ang pag procezing fee and ung work experience q.kc 2yirz computer programmer aq pro d aq nkapag work related z courze q,galing lng aq ng 2m0nthz electronicz,taz mga 3 yearz z parang zalez and telemarketing,and on call duty az waitrez,pro nag aral aq ng food en beverage zervice,NC-II holder dn aq kya lng az of n0w no hotel

Good luck naman! hehe!  Zympre, naintindhan q rn ibig nya zbihin.  Hindi zya pazok za points system. :-)

It’s gonna be a busy week

September 22, 2008

Tambak ako ng trabaho ngayon.

Di na nga ako magkanda ugaga sa pagsagot sa email ng mga fans clients at prospectss.  Tumagal na rin kasi ang processing times ngayon para sa work permit application sa Canada. Kaya ayun, ang daming naiinip at panay ang follow up.

Ang dami ring nagpapadala ng email sa akin at humihingi ng payo sa kanilang refused work permit application.  Ano daw ba ang pwede gawin?  Hindi ko talaga maintindihan yung ganung takbo ng pag-iisaip. Kung kelang refused na tsaka lang magpapatulong. Mas napapagastos lang lalo sila ng malaki. Pwede namang magpatulong bago mag-apply. Ewan ako ba.

Tapos magkakaroon pa yata ako ng bagong assignment. Syempre ayus lang yun, kasi ibig sabihin nun, dagdag moolah. Uhm… I hope.

Sa Miyerkules naman, bibiyahe na ulit ako papuntang Pangasinan para bisitahin si Pia. At sa Linggo naman ay nasa Angeles City ako ulit para mag-conduct ng seminar.

Hmm… naisip ko lang bigla, wala na pala ako time sa aking love life ah. LOL

Canada eh!

August 14, 2008

Paluwag ng paluwag ang patakaran para makapuntang Canada. Bukod sa lalabas na listahan ng mga immigration priorities, magkakaroon din ng tsansa ang mga temprary workers sa Canada na maging immigrant din sa pamamagitan ng Canadian Experience Class.

Ang daming pagbabago kaya naman busy kami sa opisina, kailangang umangkop sa mga pagbabagong ito. Panay panay ang meeting nitong mga naaraang araw.