Lumabas na pala ang June 2009 Nursing Board Licensure Exam Results. May 32,617 na naman tayong bagong nurses. Ang tanong ngayon dyan, saan kaya sila magtatrabaho? May mga nakakausap akong noon pang 2006 nakapasa hanggang ngayon eh volunteer nurse pa rin. Tsk!
Archive for the ‘Uncategorized’ Category
May mga bagong nurses na naman!
July 25, 2009Nuffnang Ads
July 12, 2009Pinaglaruan ko yung ads ng Nuffnang sa blog ko. Natuwa ako sa naging resulta. Kaya eto share ko sa inyong dalawa kong mambabasa. hehe!
Happy Mother’s Day, Inay!
May 10, 2009
Kung ako ang anak ni Edring, siya naman ang asawa ni Edring. Siya ang aking Inay!
Nagdate kami kanina ng Inay. Nagtanghalian kami sa Flavors of Asia sa Robinsons Lipa kasama ang aking mga pamangkin.
I’m back!
March 29, 2009Matagal-tagal ko rin palang hindi na-update ang blog kong ito. Paumanhin po sa dalawa kong tagasubaybay. Naging abala lang po sa trabaho at sa ilang mga bagay-bagay. Pero hindi ko na kayo muling iiwan. Pangako!
Ilan ang mga ito sa mga bagong pangyayari sa buhay ko:
Bagong blogs, bagong domains!
Ngayong buwan ng Marso, may binili akong dalawang domains. Naisip ko kasing hindi ko makukuha yung target kong $500 na kita mula sa adsense kung hindi ako magdadagdag ng raket. Kaya yun, may bago akong blogs – ang NZ Immigration Guide at Batangas Beach Resorts. Bisitahin din po ninyo at huwag mahiyang i-link sa blogs nyo. hehe!
Travel and Travel
Gaya ng naipangako ko kay Pia, mamamasyal kami sa Bohol sa susunod na buwan. Regalo ko iyon sa graduation nya. Malapit na syang maging dentist kasi tapos na sya sa kinder. Excited na nga sya sumakay ng eroplano at makakita ng mga tarsiers. May tiket na kami mula sa Cebu Pacific (papuntta) at Zest Air (pabalik). Pero wala pang katiyakan kung saan kaming resort o hotel tutuloy. Pahirapan sa booking eh. Bahala na si Batman.
May tiket na rin kami papuntang Hong Kong, 4 na araw at 3 gabi kami doon. Inaayos ko pa rin ang itinerary namin. Ang natitiyak ko lang, pupuntahan ko si Mickey Mouse. Birthday gift ko naman ito sa kanya.
Wala sanang magbanggang mga kometa o planeta para matuloy ang lakad damin. Excited na kasi talaga si Pia.
O sya, magsasagot muna ako ng mga emails at tambak pa rin ako.
Sabihin mo sa akin
October 19, 2008May gusto akong gawain pero hindi ko sigurado kung yun talaga ang gusto ko. Hindi ko rin alam kung iyon ba ang dapat at tama. Nakakalito.
Kung tutuusin, marami akong dapat ipagpasalamat sa mga nangyari ngayong taong ito. Natupad naman ang karamihan sa mga inaasahan kong mangyari lalo na sa trabaho at usaping pinansyal. Mababaw lang naman kasi ako kaya kaunting biyaya lang ay masayang-masaya na ako.
Pero pakiramdam ko ay may kulang pa rin. Alam ko naman kung ano yun. Hindi ko lang alam kung pwede ba o dapat?
Paano ko kaya malalaman?
PR3 na ang Anak ni Edring!
September 28, 2008Mukhang nag-update na namang ng Page Rank si Haring Google. Nakakatuwa kasi wala pang 2 buwan ang blog na ito pero may PR3 na agad!
Salamat po sa mga nag-link sa anakniedring.wordpress.com!
Salamat sa ACS!
September 18, 2008Nakakatuwa naman ang ACS, nagbibigay sila ngayon ng pagkakataon para sa mga graduates ng Sisters of Mary School para magtrabaho bilang Customer Service Rep at Technical Support Rep. Balita ko pa nga ay nagbigay din ng tulong pinansyal at libreng training para sa mga estudyante.
Salamat po!
Busy mode muna ako
August 28, 2008Natambakan na naman ako ng email. Ang daming nagtatanong tungkol sa list ng immigration priorities. Magkakaroon kasi ng changes sa immigration regulations at mapapabilis na ang proseso para sa mga gustong pumunta sa Canada. Sana. May ilang employers din na nagtatanong tungkol Hiring Process of Filipino Workers.
Birthday ng Lola ni Setsu at may party sa Sabado. Exclusive daw yun para sa mga kapamilya. Inimbitahan ako ng Lola nya kaya lang hindi naman ako pwede mawala sa office kapag Sabado. Sa Linggo naman ay pupunta ako sa Angeles City para magconduct ng seminar. Touched ako syempre, kapamilya pa rin pala ako. haha! Sayang talaga.
Mamayang 6pm, may meeting naman ako sa isa kong kliyente. Libreng dinner na naman ito! Pagkatapos naman ng meeting namin, diretso ako sa Watering Hole. May magpapainom na kaibigan.
Ang sarap talaga kapag libre.

