Avatar: The Last Airbender

August 21, 2009 by apolthegreat

May house mate ako na nahuhumaling sa Avatar (cartoon) at bumili pa nga ng pirated DVD copy. Kaya ayun, napapanood ko rin minsan kapag natityempuhan kong nanonood sya.

Ngayon ko lang nalaman na may movie na pala ito at malapit ng ipalabas sa IMAX. Plano ko itong panoorin mag maynakaladkad akong makakasama. hehe!

Pansamantala, magtitiyaga muna ako dito: James Cameron’s Avatar movie trailer on Apple website.

Alam mo na naman yun palagay ko

August 20, 2009 by apolthegreat

Akala ko mali lang ang pwesto ng pagkakagising ko kanina. Nag-ehersiyo ng kaunti pero ganun pa rin.

Akala ko makukuha sya kapag naligo ako. Pero hindi pa rin.

Nakatatlong tasang kape na ako ganun pa rin.

Muntik ko na nga sabihin sa diyosa ng karagatan kung bakit sa palagay ko ay ganun ang pakiramdam ko, kaya lang ay inabot ako ng hiya.

Mabuti na lang din at hindi ko sinabi. Hindi ko rin kasi alam kung maiintindihan nya yun o kung kailangan nya pa ba yung malaman.

Sasarilinin ko na lang siguro. Makukuha naman ito siguro sa diatabs.

Tumbling ako eh!

July 30, 2009 by apolthegreat

May aplikante na nagpadala ng email sa akin.  Sumat ulo sa pag-intinde kung ano gusto nya sabihin.

guzto q po tlg mkapag apply o mkapag trabaho z canada pero ang problema q po tlg e ang pag procezing fee and ung work experience q.kc 2yirz computer programmer aq pro d aq nkapag work related z courze q,galing lng aq ng 2m0nthz electronicz,taz mga 3 yearz z parang zalez and telemarketing,and on call duty az waitrez,pro nag aral aq ng food en beverage zervice,NC-II holder dn aq kya lng az of n0w no hotel

Good luck naman! hehe!  Zympre, naintindhan q rn ibig nya zbihin.  Hindi zya pazok za points system. :-)

Nestle Fruit Selection Yogurt

July 29, 2009 by apolthegreat

Ang Nestle Fruit Selection Yogurt yata ang pangalawang product ng Nestle na gumamit ng mga blogs para i-promote ito.  Una yata nila itong ginamit sa Nestle Pops.  Parehas ko syang hindi pa natitikman. :-)

Simula kasi ng pinaslang si Ka Ding, sinimulan ko ang pagboykot sa mga Nestle products bilang pakikiisa sa mga manggagawa sa Nestle.

Kung ngayon nyo lang narinig ang tungkol dito, mas maraming impormasyon ang makikita sa There’s Blood in Your Coffee.

Sabi ng Nestle, ‘Be Good to Yourself‘. Ok naman ang panawagan na iyon.  Pero gusto ko ring sabihin sana sa Nestle: ‘Be good to your workers‘.

July 26 is Blog Action Day vs. #conass

July 26, 2009 by apolthegreat

Plano ko sanang sumama sa rally sa Batasan bukas kaya lang ay mag biglaang lakad at di ako matutuloy. Ganunpaman, nais ko pa ring iguhit ang aking pagtutol sa #ConAss kahit sa pamamagitan man lang ng pagsali sa Blog Action Day vs. ConAss.

No to ConAss!

Huwag nating tuluyang babuyin at paglauran ng mga alipores ni Gloria ang batas at  ang ating konstitusyon.  Tutulan ang ConAss ng mga talipandas!

May mga bagong nurses na naman!

July 25, 2009 by apolthegreat

Lumabas na pala ang June 2009 Nursing Board Licensure Exam Results. May 32,617 na naman tayong bagong nurses. Ang tanong ngayon dyan, saan kaya sila magtatrabaho? May mga nakakausap akong noon pang 2006 nakapasa hanggang ngayon eh volunteer nurse pa rin. Tsk!

Coming Soon: Alice in Wonderland

July 22, 2009 by apolthegreat

Ang huling palabas na pinanood namin ni Pia sa sinehan ay yung Madagascar 2.  Natatandaan ko pa nga yung biro ko sa kaibigan ko na batang-bata ang date ko noon.  Sinundo ko pa sa school at nanood nga kami doon sa CSI sa Dagupan.  Syempre, nahulaan nya agad na si Pia ang kasama ko. :-)

Panonoorin rin sana namin yung Ice Age 3 kaya lang mukhang hindi iyon ipinalabas sa CSI Dagupan.  Bad trip nga daw eh sabi nii Pia.  Ewan ko kung kanino nya narinig yun. Kung anu-ano natututunan nyang salita. Bad trip talaga!

Pero kapag ipinalabas ang Alice in Wonderland dito sa Pilipinas, sisiguraduhin kong mapapanood namin iyon sa IMAX.  Ipapalabas na ang Alice in Wonderland sa March 2010. Pansamantala, nandito yung Alice in Wonderland trailer.

Nuffnang Ads

July 12, 2009 by apolthegreat

goodbyegloria

Pinaglaruan ko yung ads ng Nuffnang sa blog ko.  Natuwa ako sa naging resulta. Kaya eto share ko sa inyong dalawa kong mambabasa. hehe!

The secret of your future is hidden in your daily routine

July 12, 2009 by apolthegreat

Papunta na naman ako sa Pangasinan mamayang hapon para bisitahin si Pia. Tuwing Lunes kasi ay ako ang naghahatid sa kanya sa school at namimili na rin ng mga kailangan nya.  Kadalasan din ay ipinapasyal ko sya sa mall.  Kapag palabas na ang Ice Age 3 sa Dagupan, baka manood kami ni Pia.

Medyo maayos na ang schedule ko ngayon sa trabaho kaya hindi na ako bumibyahe ng balikan.  Dati kasi, madaling araw ako umaalis ng Manila tapos babalik na rin sa hapon. Sampung oras na byahe din yun. Nakakapagod pero syempre ayos lang yun. Anyhing for Pia.

****

May mga bago akong entries sa iba ko pang blog.

King Kung Fu Movie Review – Natawa ako sa review.  Naalala ko yung mga lumang pelikulang Tagalog, yung mga kengkoy. hehe!

On Canada’s Government Health Care System – Sa palagay ko kasi ay maayos naman ang health care system sa Canada. Pero syempre, hindi naman ito perpekto. May documentary pala tungkol dito si Michael Moore (Sicko), maghahaglap ako ng DVD Copy nun. Mukhang maganda.

CIO Mailing Address – lumang entry na pero kinailangan kong i-update.

I’m back!

July 10, 2009 by apolthegreat

Naks! Para namang may nagbabasa ng blog na ito. hehe! Ganunpaman, sisikapin kong sipagan ng kaunti ang pag-update sa blog kong ito.

Pitong taon na lang ay 40 years old na ako. Target kong magretiro sa edad na 40, yung tipong nagtatanim na lang ako ng kamote sa likod bahay at hindi na kumakayod ng todo para lang mabuhay. Ayaw ko na ng may amo sa edad na iyon. Life begins at 40, sabi nga nila. Senti mode ako niting mga nakaraang araw. Ewan ko ba kung anong tumama sa akin at bigla ako nalungkot. Bertday ko noong Martes at salamat nga pala sa bumati, lalo na sa kaibigang si Niko, na gumawa pa ng blog post. Tats talaga ako. :-)

Nagsisipag na ulit ako mag-blog don sa mga pinagkakakitaan kong blog. hehe! Narito ang ilang updates:

Tungkol sa Canada Visa application, Hepatitis B at Lupus Disease.

Napapabalita na sasali daw si Bill Clinton sa Phi Beta Sigma.

Tungkol naman sa pagkamatay ni Micheal Jackson, kung di nyo pa napanood, narito yung Michael Jackson Memorial Service Full Video.