June 12, 2009 by apolthegreat
Bilang pagtatapos sa anti-conass rally sa Makati noong June 10 ay kinanta namin ang makabayang awiting Bayan Ko. Napansin ko ang mamang ito na taas kamao ding kumakanta gaya ng mga sankatibakan na naroroon.
Hindi man ganun kalaki ang sumama sa rally, makahulugan para sa akin ang larawang ito. Hangga’t may mga taong tulad ng mamang ito na handang manindigan at lumaban, darating din ang araw na makakamtan natin ang tunay na kalayaan.
Tuloy ang laban para sa tunay na kalayaan at demokrasya!
Posted in Tibak LIfe | 3 Comments »
June 3, 2009 by apolthegreat
Nagmamadali kagabi ang mga palaka sa Bastusang Pambansa na ipasa ang HR 1109. Layunin ng nasabing resolusyon na gawing Constituent Assembly ang kongreso, para baguhin ang konstitusyon kahit hindi kasama ang Senado.
Dahil mayorya ng mga buwaya sa kongreso ay sunod-sunuran kay GMA, hindi malayong palawigin pa nila ang termino ng amo nila. Payag ka ba dito?
Kung hindi, narito ang isang paraan upang iguhit ang iyong pagtutol.

Nalampasan ni GMA ang Garci issue, ang ZTE, ang political killings at iba pang kung anu-anong corruption issues. Palalampasin nyo pa rin ba ang pambababoy ng kampo/n nya sa ating Saligang Batas?
Sabi nga, “All that is necessary for the triumph of evil is that good men do thing.”
Posted in Tibak LIfe, balita | Leave a Comment »
May 27, 2009 by apolthegreat
10 na taoan pala ang nakakaraan ng ratipikahahan ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement. Kaugnay nito ay nagkaroon ng concert/protest sa Rajah Solayman Park sa Malate kanina. At dahil nabalitaan kong tutugtog ang The Jerks, pinilit kong makapunta kahit na nakaamba ang ulan. Wala eh. I am and will always be a fan of the Jerks.
Ang siste, hindi naman dumating ang The Jerks. Ganunpaman, hindi naman ako nagsisi dahil nandon naman ang Datu’s Tribe. Gusto ko yung kanta nilang Whoa! Pilipinas! Hinanap ko nga agad ang lyrics.hehe!
Whoa! Pilipinas
Datu’s Tribe
Napakarami pang kagiliw-giliw na mga bagay na maipapamalas sa bayan ko na maaaring hindi nyo nakita nung kayo’y unang bumisita rito.
Kaya’t halina’t tuklasin ang ilan sa mga kaganapan at tanawin na higit na makapaglalarawan sa mga hindi binabanderang aspeto ng
Whoa! Pilipinas
Nangingibang-bayan ang aming masisipag at matatalino
Ang pangunahing eksport nami’y nagugutom na mga desperado
Kinabukasan ng nakararami’y sinasalalay sa Lotto
At ang mga pag-asa ni Pepe’y tumitira ng rugby sa kanto
Whoa! Pilipinas
Umiimport kami ng mga binabasurang produkto
Mga mamamahayag nag-eendorso ng alak, gamot at shampoo
May mga titser na nagbebenta ng insurance, damit at tocino
Karaniwang pasahod kasi’y sapat lang bumuhay ng aso
Whoa! Pilipinas
Ang bagong relihiyon ng masa ay tele-pantasya
Kaya mga artista dito’y mga pulitiko rin at vice-versa
Andaming kampon ni Bonifacio na nasa center na ng mga elitista
Na nagiging tambayan ng mga bagong burgis na dating aktibista
Whoa! Pilipinas
Galamay ng sindikato ang mga pulis at sundalo
Nagiging congressman ang mga sugarol at babaero
Pwedeng-pwedeng maging milyonaryo sa sweldo mo sa gobyerno
At umuupo sa pwesto mga di naman nananalo
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Nang inyo nang makita
Mga di ninyo nakita
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Halina’t bumisita
Whoa! Pilipinas
Nang inyo nang makita
Mga di pinapakita sa inyo
Mga di pinapakita
sa inyo.
Astig! Di ba? Datu’s Tribe rocks!
Posted in Tibak LIfe | Leave a Comment »
May 10, 2009 by apolthegreat

Kung ako ang anak ni Edring, siya naman ang asawa ni Edring. Siya ang aking Inay!
Nagdate kami kanina ng Inay. Nagtanghalian kami sa Flavors of Asia sa Robinsons Lipa kasama ang aking mga pamangkin.
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
May 9, 2009 by apolthegreat
Papunta ako kanina sa Mall of Asia nang makita ko yung banner na nakasabit sa MRT station sa sa Pasay Rotonda para kay Manny Pacquiao. Siya raw ay bayani ng lahing Pilipino at galing ang mensaheng iyon kay Gloria Macapagal Arroyo. Kaugnay ito ng pagkapanalo ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton.
Magaling naman talagang boksingero si Pacquiao, walang duda yun. Pero yung tawagin syang bayani ng lahing Pilipino, lokohan na yun!
Ano ba ang nagawa ni Manny, bukod sa manalo ng limpak-limpak na salapi sa pakikipagsuntukan sa ring, para tawagin syang bayani ng lahing Pilipino? Dahil nagkakaisa ang mga Pinoy at nababawasan ang krimen tuwing may laban sya?
Sus! Eh yun ngang simpleng self quarantine requirement na munghkahi ng DOH pagbalik nya dito ay ipinagwalalng bahala nya. Iyon ay para masiguradong hindi maikalat ang swine kung sakali man na may infected na ng swine flu sa team nya. Yun ba ang bayani? Nagagalit tuloy si Doc Emer.
Sabi ko nga, hintayin nyong maging kongressman yan. hehe!
Kung yun ang pamantayan para maging bayani, pwede na rin siguro tawaging santa si Aling Dionisia dahil laging nagdadasal at may bitbit na Sto. Nino. At tsaka sabi nya sikit na rin sya. Uhm… sige na nga. Sikat na naman talaga si Aling Dionisia dahil sa media na kulang na lang ay ibalita kung anong kulay ang tae ni Pacquiao matapos ang laban kay Hatton.
Hindi nga, paano naging bayani ng lahing Pilipino si Pacquiao?
Posted in Obserbasyon | 1 Comment »
April 28, 2009 by apolthegreat
Hindi na nga yata ligtas ang manirahan sa planetang earth. Kung anu-ano nang sakit ang lumalabas.
Noong unang lumabas ang balita tungkol sa AIDS, talaga namang nagimbal ang mundo dito. Pero ngayon, parang karaniwan na lang ito.
Tapos, pumutok yung balita tungkol sa SARS at bird flu. At ngayon nandyan naman ang swine flu.
Tsk! Ano kayang sunod, dog flu?
Posted in balita | 3 Comments »
April 24, 2009 by apolthegreat
Madalas kong marinig yung sinasabing masarap ang bawal. Pero masarap din ang libre, di ba?
Noong Miyerkules, hindi ako pumasok sa trabaho dahil tinamad nagpa check-up ako. Akalain mong nakakuha ako ng dalawang discount cards ng araw na iyon!
Makalibre ako ng halo-halo galing sa Chowking dahil sa transaksyon ko sa Western Union. Nagpadala muna kasi ang pera sa ermat ko bago ako pumunta sa San Juan de Dios. Tapos yung gamot na binili ko, naka discount naman ako ng 25% galing sa Pfizer.
Syempre tuwang-tuwa ako. Libre eh!
Uhm.. bigla tuloy ako napaisip, does that make me a patay gutom blogger?
Para makuha mong bansagan na patay gutom ang isang tao, grupo ng mga tao o klasipikasyon ng grupo, siguro ang taas-taas na ng tingin mo sa sarili nun. Bad.
Posted in Obserbasyon | Leave a Comment »
April 18, 2009 by apolthegreat
Tatalong araw matapos ang Baguio City Tour kasama ang dalawang kaibigan, bumiyahe ako ulit para sa isa pang bakasyon. Pumunta ako sa Panglao Island sa Bohol kasama naman si Pia. Regalo ko ito sa kanya kasi nga 1st honor sya sa kinder class at may award sya doon sa moving up ceremony nila.

Chocolate Hills Philippines
Tatlong araw at dalawang gabi kami sa Bohol. Marami kaming pinuntahan kasama na ang Chocolate Hills at kumain din kami don sa floating resturant sa Loboc River.
First time ni Pia sumakay ng eroplano kaya medyo kabado ako at baka matakot. Mabuti na lang at sabi nya pa nga ay parang hindi gumagalaw yung eroplano noong nasa ere na kami. Tinanong nya pa nga ako bakit walang trapik sa eroplano at syempre binigyan ko sya ng scientific explanation. Kasi anak hindi nakikialam si sa eroplano si Bayani Fernando. Nasa van na kasi kami noong tinanong nya ako at sakto namang nagkalat yung mga posters ni BF sa daan.
Ang natakot sya ay doon sa bangka, noong nag island hopping kami. Muntik na nga kaming magrosaryo habang nasa bangka. Hindi nya tuloy masyado na-enjoy yugn dolphin watching. Magdasal daw kami para hindi lumubog ang bangka.
Muntik na ako tumabling doon sa Balicasag Island. Nagpaluto kasi ako doon ng makakain namin at gusto raw ni Pia ng tinolang manok. Akalain mong ang isang kilo ng manok doon ay P300! hehe!
Sa kabuuan ay nag-enjoy naman si Pia. Kapag first honor daw sya ulit doon ulit kami pumunta. Sabi ko sa kanya ay depende yun kung may pera pa kami. Kung wala daw eh di sa bahay na lang kami. Ayuz!
Posted in My Sophia | 1 Comment »
April 4, 2009 by apolthegreat
Tapos na si Pia sa kinder! Malapit na sya maging dentist! Yey!
Ang saya-saya ni Pia kahapon sa moving up ceremony nila. Nandoon kasi kami pareho ng Mommy nya at dalawa kaming nagsabit ng medals nya. May kaunti ring salu-salo sa bahay at syempre pa, si Pia ang bida. Aba! Ikaw na ang maging first honor!
Pwede na sana sya mag enroll sa grade one sa susunod na pasukan kasi anim na taong gulang na sya sa July. Pero hindi ko pa sya ipapasok sa elementary at baka mabigla. Sana ay magtuloy-tuloy si Pia. Medyo may katigasan din kasi ang ulo at tamad mag-aral. Kapag tinuturuan ng lola nya, lagi sila nagtatalo kasi alam nya na daw yun.
At eto pa. Kapag elementary na daw sya, doon daw sya papasok sa school sa tapat ng bahay para tatawid na lang daw sya. Tamang-tama, sabi ko. Walang bayad doon kasi public school yun. Kaya ayun, kapag tatanungin mo sya ngayon kung bakit nya gusto don sa tapat, ang sasabihin nya ay para walang bayad. hehe!
Posted in My Sophia | Leave a Comment »
March 29, 2009 by apolthegreat
Matagal-tagal ko rin palang hindi na-update ang blog kong ito. Paumanhin po sa dalawa kong tagasubaybay. Naging abala lang po sa trabaho at sa ilang mga bagay-bagay. Pero hindi ko na kayo muling iiwan. Pangako!
Ilan ang mga ito sa mga bagong pangyayari sa buhay ko:
Bagong blogs, bagong domains!
Ngayong buwan ng Marso, may binili akong dalawang domains. Naisip ko kasing hindi ko makukuha yung target kong $500 na kita mula sa adsense kung hindi ako magdadagdag ng raket. Kaya yun, may bago akong blogs – ang NZ Immigration Guide at Batangas Beach Resorts. Bisitahin din po ninyo at huwag mahiyang i-link sa blogs nyo. hehe!
Travel and Travel
Gaya ng naipangako ko kay Pia, mamamasyal kami sa Bohol sa susunod na buwan. Regalo ko iyon sa graduation nya. Malapit na syang maging dentist kasi tapos na sya sa kinder. Excited na nga sya sumakay ng eroplano at makakita ng mga tarsiers. May tiket na kami mula sa Cebu Pacific (papuntta) at Zest Air (pabalik). Pero wala pang katiyakan kung saan kaming resort o hotel tutuloy. Pahirapan sa booking eh. Bahala na si Batman.
May tiket na rin kami papuntang Hong Kong, 4 na araw at 3 gabi kami doon. Inaayos ko pa rin ang itinerary namin. Ang natitiyak ko lang, pupuntahan ko si Mickey Mouse. Birthday gift ko naman ito sa kanya.
Wala sanang magbanggang mga kometa o planeta para matuloy ang lakad damin. Excited na kasi talaga si Pia.
O sya, magsasagot muna ako ng mga emails at tambak pa rin ako.
Posted in **Blog ko 'to**, My Sophia, gimik | Leave a Comment »