Archive for May, 2009

Pacquio: Bayani ng lahing Pilipino?

May 9, 2009

Papunta ako kanina sa Mall of Asia nang makita ko yung banner na nakasabit sa MRT station sa sa Pasay Rotonda para kay Manny Pacquiao. Siya raw ay bayani ng lahing Pilipino at galing ang mensaheng iyon kay Gloria Macapagal Arroyo. Kaugnay ito ng pagkapanalo ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton.

Magaling naman talagang boksingero si Pacquiao, walang duda yun. Pero yung tawagin syang bayani ng lahing Pilipino, lokohan na yun!

Ano ba ang nagawa ni Manny, bukod sa manalo ng limpak-limpak na salapi sa pakikipagsuntukan sa ring, para tawagin syang bayani ng lahing Pilipino? Dahil nagkakaisa ang mga Pinoy at nababawasan ang krimen tuwing may laban sya?

Sus! Eh yun ngang simpleng self quarantine requirement na munghkahi ng DOH pagbalik nya dito ay ipinagwalalng bahala nya.  Iyon ay para masiguradong hindi maikalat ang swine kung sakali man na may infected na ng swine flu sa team nya. Yun ba ang bayani?  Nagagalit tuloy si Doc Emer. 🙂 Sabi ko nga, hintayin nyong maging kongressman yan. hehe!

Kung yun ang pamantayan para maging bayani, pwede na rin siguro tawaging santa si Aling Dionisia dahil laging nagdadasal at may bitbit na Sto. Nino. At tsaka sabi nya sikit na rin sya. Uhm… sige na nga. Sikat na naman talaga si Aling Dionisia dahil sa media na kulang na lang ay ibalita kung anong kulay ang tae ni Pacquiao matapos ang laban kay Hatton.

Hindi nga, paano naging bayani ng lahing Pilipino si Pacquiao?